Mga Ideya para sa Family Home Evening
Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na maaaring gamitin para sa family home evening. Narito ang ilang halimbawa.
“Pagiging Isang Mabuting Tao Ngayon,” p. 45: Magdispley ng ilang bagay (halimbawa, isang lapis, Aklat ni Mormon, Liahona, pares ng sapatos), at anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na pagsunud-sunurin ito mula sa pinakamahalaga pababa. Talakayin kung paano nila napili ang gayong pagkakasunud-sunod. Ano ang mga katangian na nagbibigay halaga sa buhay ng isang tao? Hikayatin ang bawat isa na gumawa ng isang partikular na bagay sa darating na linggo para mas maging mabuting tao.
“Madaling Araw ng Linggo,” p. 56: Anyayahan ang bawat kapamilya na mag-isip ng isang kapit-bahay na kailangang dalawin o paglingkuran. Magplano ng isang bagay para sa taong iyon sa linggong ito. Basahin ang Mosias 18:7–10, at talakayin kung paanong ang pagtulong sa kapwa ay isang paraan para matupad natin ang ating tipan sa binyag.
“Kapag Hindi Lumutang ang mga Pato,” p. 58: Maglista ng ilan sa mga tuntunin ng inyong pamilya, at talakayin kung paano nito pinoprotektahan ang inyong pamilya. Maglista rin ng ilan sa mga utos ng Ama sa Langit, at talakayin kung paano tayo pisikal o espirituwal na pinoprotektahan nito.
Ang Masayang Family Home Evening
Ilang taon na ang nakalilipas, hiniling ng aking asawa sa aming pamilya na maghanda para sa isang espesyal na home evening. Hiniling ng aming apat-na-taong-gulang na anak na babae na kantahin ang “Ako ay Anak ng Diyos.” Nagbigay naman ng pambungad na panalangin ang aming 10 taong gulang na anak na lalaki. Nadama namin ang malakas at kamangha-manghang presensya ng Espiritu.
Nagbahagi ang asawa ko ng ilang mensahe mula sa mga lider ng Simbahan at hinikayat kami na manatiling nagkakaisa sa ebanghelyo ni Jesucristo. Pagkatapos ay binigyan niya ng basbas ng ama ang aming maliit na anak na babae. Ako at si Inay ay binigyan din ng basbas, at ang huli ay ang aming anak na lalaki. Bago niya ipinatong ang kanyang kamay sa ulo ng aming anak, nagpasalamat ang aking asawa para sa priesthood at hinikayat ang aming anak na maging marapat sa awtoridad na ito.
Halos isang taon at kalahati na ang nakalipas, sinabi ng aming anak na babae, “Mag-family home evening po tayo tulad ng ginawa natin noon.” Nalalaman ang ibig niyang sabihin, tinanong ko pa rin siya kung alin doon. Sagot niya, “Iyon pong sobra tayong naiyak at napakasaya natin!”
Marlúcia Souza de Jesus Costa, Bahia, Brazil
Ang Paborito Ninyong Family Home Evening
Magpadala ng paglalarawan ng inyong paboritong family home evening sa liahona@ldschurch.org. ◼