2010
Manila Philippines Temple
Abril 2010


Tampok na Templo

Manila Philippines Temple

Si Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) ang naglaan sa Manila Philippines Temple noong Setyembre 1984. Ang labas ng magandang gusali na may anim na tore ay yari sa makinang na puting ceramic tiles at naliligiran ng matataas na puno ng palma at makukulay na halaman.

Ang open house ng templo ay ginanap kaagad matapos pinsalain ng dalawang malalakas na bagyo ang Pilipinas. Sa kabila ng mga bagyo, itinuloy pa rin ang nakaplanong okasyon. Noong Setyembre 3, 1984, inilibot dito ang matataas na opisyal. Kinabukasan, nang buksan ang templo para ilibot ang publiko, “isang magandang tanawin sa kalangitan ang namasdan sa ibabaw ng templo,” sabi ni Jovencio Ilagan, executive secretary ng temple committee noong itinatayo pa ito. “Ang ningning ng araw ay nakitang pakorona na may iba’t ibang kulay ng liwanag. … May pagkakataon pa na ang gitnang toreng kinalalagyan ng estatuwa ni Anghel Moroni ay nakita sa gitna ng korona ng liwanag. Halos sandaang katao na nasa bakuran ng templo ang nagpapatunay nito. Marami ang napaluha.”1

Tala

  1. Sa John L. Hart, “3 Temples Open to Public in a Week—a First Ever,” Church News, Set. 16, 1984, 3.

Ang Manila Philippines Temple ang unang templong itinayo sa Pilipinas. Ang pagtatayo ng pangalawang templo ay nagsimula noong 2007 sa Cebu City.