2010
Greece
Abril 2010


Ang Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Panig ng Daigdig

Greece

Tatlong taon nang pinaghahanap nina Rigas Pofantis at Nicholas Malavetis ang mga banal na katotohanan nang mabasa nila ang isang artikulo sa pahayagan noong 1898 na tumalakay sa Mormonismo. Nagkainteres sila at sumulat sa headquarters ng Simbahan para madagdagan pa ang nalalaman. Pinapunta ng mga lider ng Simbahan ang pangulo ng Turkish Mission para bisitahin at turuan ang dalawa sa Greece. Noong 1903 namatay si Nicholas Malavetis, ngunit pagkaraan ng dalawang taon, muling sumulat si Rigas Pofantis sa headquarters ng Simbahan at hiniling na binyagan siya. Muling pinapunta ng mga lider ng Simbahan ang pangulo ng Turkish Mission, na nagbinyag kay Brother Pofantis at limang iba pa, pati na sa balo ni Nicholas Malavetis.

Dumating ang mga unang misyonero sa Greece anim na buwan pagkaraan ng mga unang pagbibinyag na ito, ngunit simula noong 1909, halos 70 taong pinahinto ng Simbahan ang gawaing misyonero doon, dahil na rin sa kaguluhan sa pulitika roon. Samantala, ang mga sundalong nakadestino sa lugar ay nagsimulang magbahagi ng ebanghelyo sa mga Griyego. Gayunman, mabagal ang pag-unlad; nang palitan ng Athens Branch ang yunit ng mga sundalo sa Simbahan noong 1967, 80 miyembro ang dumadalo sa branch pero walo lang ang Griyego.

Noong 1972 inilaan ni Elder Gordon B. Hinckley (1910–2008), na noon ay miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol, ang Greece para sa pangangaral ng ebanghelyo. Mula noon ilang pag-unlad ang nakahikayat sa pagdami ng mga miyembro ng Simbahan, pati na ang paglalathala ng isinalin sa Griyego na Aklat ni Mormon noong 1987, ang paglikha ng Greece Athens Mission noong 1990, at paglalaan ng unang meetinghouse sa Greece noong 1999.

Bilang ng mga Miyembro (2009)

661

Mga District

1

Mga Branch

5

Nitong nakaraang mga taon ang Mars Hill, kung saan nagsermon si Apostol Pablo sa Mga Gawa 17, ay naging lugar para sa mga pulong-patotoo, proyekto sa paglilingkod, at pagdiriwang ng mga ulirang mamamayan sa Greece.