2010
Ang Kahalagahan ng Isang Guro
Abril 2010


Paglilingkod sa Simbahan

Ang Kahalagahan ng Isang Guro

Hango sa “Only a Teacher,” Tambuli, Okt. 1990, 3–8.

President Thomas S. Monson

Minsan ay may tatlong batang lalaking nag-uusap-usap tungkol sa kani-kanilang ama. Sabi ng isa, “Mas malaki ang tatay ko kaysa tatay mo,” na sinagot naman ng isa pa, “Aba, mas matalino ang tatay ko kaysa tatay mo.” Sabi naman ng pangatlong bata, “Doktor ang tatay ko.” Pagkatapos, pagbaling niya sa isa pang bata, patuya niyang sinabing, “At guro lang ang tatay mo.”

May isang gurong ang buhay ay nakahihigit sa lahat ng iba pang guro. Nabuhay Siya hindi para paglingkuran kundi para maglingkod, hindi para tumanggap kundi para magbigay, hindi para iligtas ang Kanyang buhay kundi ialay ito para sa iba. Inilarawan niya ang isang pag-ibig na mas maganda kaysa pagnanasa, isang kahirapang mas sagana kaysa kayamanan. Nagturo Siya nang may awtoridad at hindi tulad ng mga eskriba. Ang Guro ang tinutukoy ko, maging si Jesucristo, ang Anak ng Diyos, ang Tagapagligtas at Manunubos ng buong sangkatauhan.

Kapag tumugon ang [matatapat] na guro sa [Kanyang] magiliw na paanyaya na, “Halikayo mag-aral tungkol sa akin,” nagiging kasalo sila sa Kanyang banal na kapangyarihan.

Naging karanasan ko noong maliit pa akong bata na maimpluwensiyahan ng ganitong guro. Sa aming klase sa [Sunday School], tinuruan niya kami tungkol sa Paglikha ng mundo, ang Pagkahulog ni Adan, at ang nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesus. Dinala niya sa kanyang silid-aralan bilang kagalang-galang na mga panauhin sina Moises, Josue, Pedro, Tomas, Pablo, at si Cristo. Kahit hindi namin sila nakita, natutuhan namin silang mahalin, igalang, at tularan.

Nang marinig ng bata ang mga panunuyang: “Mas malaki ang tatay ko kaysa tatay mo,” “Mas matalino ang tatay ko kaysa tatay mo,” “Doktor ang tatay ko,” sana sumagot siya na, “Siguro nga mas malaki ang tatay mo kaysa tatay ko; mas matalino ang tatay mo kaysa tatay ko; maaaring piloto nga ang tatay mo, inhinyero, o doktor; pero guro naman ang tatay ko.”

Nawa’y laging tumanggap ang bawat isa sa atin ng gayong kataos at kamarapat na papuri!

Ang Sermon sa Bundok, ni Carl Heinrich Bloch, ginamit nang may pahintulot ng National Historic Museum at Frederiksborg sa Hillerød, Denmark, hindi maaaring kopyahin