Maiikling Balita sa Buong Mundo
Ibinalita ang Bagong Europe East Area Presidency
Ibinalita ng Unang Panguluhan ang pagbabago sa Europe East Area Presidency, na kaagad na ipatutupad. Si Elder Kevin W. Pearson, Unang Tagapayo sa Area Presidency, ay inilipat sa headquarters ng Simbahan para sa isang espesyal na gawain sa Missionary Department. Si Elder Wolfgang H. Paul ay mananatiling President ng area, kasama si Elder Gregory A. Schwitzer ng Pitumpu bilang Unang Tagapayo at si Elder Alexsandr N. Manzhos, Area Seventy, bilang Pangalawang Tagapayo.
Napili na ang Pagtatayuan ng Philadelphia Pennsylvania Temple
Noong Nobyembre 2009 ay ibinalita ng Unang Panguluhan na ang pagtatayuan ng Philadelphia Pennsylvania Temple ay sa 1739 Vine Street sa kabayanan ng Philadelphia. Ang lugar ay malapit sa Vine Street Expressway at Courts Building at nasa katapat na kalsada mula sa Logan Square, isang kilalang lugar sa Philadelphia. Ibinalita ni Pangulong Thomas S. Monson ang tungkol sa templo noong Oktubre 2008. Sa kasalukuyan ay may 130 templong gumagana sa mundo, at may 21 ibinalitang itatayo o kasalukuyang itinatayo pa lamang.
Ibinalita ang mga Petsa para sa Vancouver Temple
Ang open house ng Vancouver British Columbia Temple ay gaganapin mula Abril 9 hanggang Abril 24, 2010, maliban sa mga araw ng Linggo, at isang pagdiriwang na pangkultura ang gaganapin sa Mayo 1. Magaganap ang paglalaan sa tatlong sesyon sa araw ng Linggo, Mayo 2, nang alas-9:00 n.u., alas-12:00 ng tanghali, at alas-3:00 n.h. Ibobrodkast ang tatlong sesyon ng paglalaan sa lahat ng unit ng Simbahan na sakop ng temple district. Magbubukas ang templo para sa mga ordenansa sa kasunod na araw. ◼