Paggawa ng Makabuluhang Bagay sa Oras Ko
Kung minsan talagang malamig at umuulan ng niyebe sa lugar namin. Kung minsan nasa loob lang kami ng bahay pagkauwi mula sa paaralan at sumasakay sa aming sled pababa sa malaking burol na katabi ng bahay namin. Isang araw, nang isusuot na namin ang aming snowsuit, sumbrero, at mga guwantes, sinabi ni Inay na huwag na kaming tumuloy dahil napakalamig at mahangin sa labas. Nagmaktol ako dahil hindi kami nakalabas. Nagreklamo ako, at sinabi ni Inay, “Umakyat ka sa kuwarto mo at maghanap ka ng makabuluhang bagay na magagawa mo sa oras mo.”
Pagpasok ko sa kuwarto ko, inisip ko kung ano ang nais ipagawa sa akin ng Tagapagligtas. Nagpasiya akong isaulo ang mga Saligan ng Pananampalataya. Nang bumaba ako pagkaraan ng ilang oras, humingi ako ng tawad kay Inay at sa mga kapatid ko sa pagmamaktol ko at sinabi kong naisaulo ko ang mga Saligan ng Pananampalataya. Gulat na gulat sila! Binigkas ko ang bawat isa para sa kanila at napakasaya ko na naging makabuluhan ang oras ko.
Sa palagay ko masaya ang Tagapagligtas na nagpasiya ako na alamin ang iba pa tungkol sa Kanya sa ekstrang oras ko nang umagang iyon. Nagpapasalamat ako na binigyan Niya ako ng isang pamilya at ng mga banal na kasulatan para tulungan kaming malaman ang iba pa tungkol sa ating Ama sa Langit at sa Kanyang Anak na si Jesucristo.