Tampok na Doktrina
Pinamumunuan Tayo ng mga Buhay na Propeta
“Noong isang taon, nang umabot na sa limang taon ng panunungkulan si Pangulong Monson bilang Pangulo ng Simbahan, naisip niya ang 50 taon ng kanyang paglilingkod bilang apostol at ito ang kanyang sinabi: … ‘Tinitiyak ko sa inyo na nasa mabubuting kamay ang Simbahan. Tinitiyak [sa atin] ng sistemang itinakda para sa Kapulungan ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawa na lagi itong nasa mabubuting kamay at, anuman ang mangyari, hindi kailangang mangamba o matakot. Ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo, na ating sinusunod, sinasamba, at pinaglilingkuran, ang laging namumuno sa Simbahan.’1
“Pangulong Monson, pinasasalamatan namin kayo sa mga katotohanang iyon! At salamat sa inyong habambuhay na mabuting halimbawa at tapat na paglilingkod. … Sinasang-ayunan namin kayo, hindi lamang sa pagtataas ng aming mga kamay kundi nang buong puso at pagkakaisa.”
Elder Russell M. Nelson, “Pagsang-ayon sa mga Propeta,” Liahona, Nob. 2014, 76.