Ang mga Kailangang Gawin sa Seminary ay Naghihikayat sa mga Estudyante sa Seminary na Pagbutihin pa ang Pag-aaral
Ang mga bagong hinihingi para makapagtapos sa seminary na tutulong sa mga estudyante na “pagbutihin pa ang pag-aaral” ay ipinatutupad ngayon sa buong Simbahan. Kabilang sa mga hinihingi, na ipatutupad sa simula ng taong ito ng pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan at kasaysayan ng Simbahan, ang dalawang mahalagang bagay:
-
Ipapabasa na sa mga estudyante sa seminary ang aklat ng banal na kasulatan na pag-aaralan nila sa buong taon, bukod pa sa pagtanggap ng credit batay sa attendance o pagdalo sa klase at sa ecclesiastic endorsement mula sa kanilang bishop o branch president. Ang pagbabasa ng banal na kasulatan ay binigyang-diin na noon, pero ngayon ay kailangan na ito para sa pagtatapos sa seminary.
-
Ang mga estudyante ay kailangang makapasa sa dalawang course-learning assessment sa buong taon, na may gradong hindi bababa sa 75 porsiyento. Ang isang assessment ay gagawin sa kalagitnaan ng taon at ang pangalawa ay sa katapusan ng taon ng pag-aaral. Ang mga assessment ay magtutuon sa pagkaunawa sa doktrina at pagsasabuhay ng mga alituntunin ng ebanghelyo sa araw-araw.
Ang mga bagong hinihingi sa seminary—kasama na ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Paglilingkod ng Misyonero at ang kurikulum ng mga kabataan sa araw ng Linggo, Come, Follow Me—ay magbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na magkaroon ng sarili nilang patotoo, palalimin ang kanilang pagkaunawa sa ebanghelyo, at dagdagan ang kanilang kakayahang ibahagi ang kanilang kaalaman habang naghahanda sila para sa paglilingkod at pagiging disipulo.
Sa katapusan ng bawat taon, ang mga estudyante ay tatanggap ng isang sertipiko na nagsasaad na nakumpleto nila ang mga hinihingi (pati na ang pagbabasa at mga assessment) o ng isang sertipiko ng pagkilala na nagsasaad na natugunan nila ang attendance requirement.