2015
Dati-rati ay salbahe ako, pero nagbago na ako at gusto kong ibahagi ang ebanghelyo. Paano ko mababago ang pagkakakilala ng iba sa akin?
Enero 2015


Dati-rati ay salbahe ako, pero nagbago na ako, at gusto kong ibahagi ang ebanghelyo. Paano ko mababago ang pagkakakilala ng iba sa akin?

A young woman with a bright red shirt is smiling and happy.  White background.

Una sa lahat, huwag mong hayaang pigilan ka ng iyong takot. Kung naantig ka na ng Espiritu at nagsisikap kang magsisi at magbago, kahanga-hanga iyan. Alalahanin, ang pagbabagong ito ay nangyayari sa pamamagitan ng nagbibigay-kakayahang kapangyarihan ng biyaya ni Jesucristo. Sa tulong Niya, maaari kang maging isang bagong tao at magsimulang baguhin ang pagkakilala ng iba sa iyo. Tutulungan ka rin Niyang ibahagi ang ebanghelyo. Bagama’t kailangan ng sapat na panahon para mabago ang pagkakakilala nila sa iyo, magiging sulit ito. Narito ang ilang bagay na magagawa mo sa prosesong iyan ng pagbabago:

  • Humingi ng tawad sa mga taong nasaktan mo.

  • Sikaping magpakita ng kabaitan sa mga taong hindi mo napakitaan ng kabaitan noon.

  • Laging maging tapat at totoo.

  • Kung ang mga kabarkada mo ay salbahe sa iba, pahintuin sila sa paggawa nito o kaya’y huminto ka sa pagsama sa kanila. Kung hindi, ituturing ng mga tao na katulad ka nila.

  • Isiping pag-aralan ang Moroni 7 at ipagdasal na magkaroon ka ng dalisay na pag-ibig sa kapwa mo.