2015
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Enero 2015


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang ideya.

“Paano Makakamit ang Walang Hanggang mga Mithiin,” pahina 60, at “Ang Listahan ng 10 Priyoridad ni Abby,” pahina 76: Sa pagsisimula ng bagong taon, maaaring nag-iisip kayo ng inyong pamilya ng ilang mithiing inaasam ninyong makamit bilang indibiduwal at bilang pamilya. Isiping basahin ang artikulo ni Sister Rosemary M. Wixom tungkol sa 10 nangungunang mithiin sa buhay ng isang dalagita, at anyayahan ang inyong mga anak na gumawa ng sarili nilang listahan ng mga mithiin. Maaari ding makatulong sa nakatatanda ninyong mga anak ang pagtalakay sa artikulo ni Elder Robert D. Hales tungkol sa walang-hanggang mga mithiin at kahalagahan ng pagpaplano para makamit ang mga mithiing iyon. Hikayatin ang mga miyembro ng pamilya na isulat ang kanilang mga mithiin at ilagay ito sa isang lantad na lugar sa bahay ninyo.

“Hamon sa Pagbabasa ng Bagong Tipan,” pahina 66: Isiping simulan ang hamon na basahin ang Lumang Tipan bilang pamilya. Maaari ninyong simulan sa paghiling sa bawat miyembro ng pamilya na ibahagi ang kanyang paboritong kuwento mula sa buhay ni Jesucristo. Pagkatapos, bilang isang pamilya, bumisita sa gospelart.lds.org o scripturestories.lds.org para makita ang mga video at gawang-sining na akma sa inyong nakatakdang basahin. O isiping isadula ang mga tagpo mula sa Bagong Tipan habang nagbabasa kayo.

Sa Inyong Wika

Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.