2015
Panalangin sa Loob ng Bus
Enero 2015


Panalangin sa Loob ng Bus

Ang awtor ay naninirahan sa Mexico.

Si Sofía ay halos walong taong gulang na. Naghahanda na siyang mabinyagan. Marami na siyang natutuhang mahahalagang bagay. Ang isang bagay na natutuhan niya ay tungkol sa panalangin. Alam niyang makapagdarasal siya sa Ama sa Langit anumang oras. Alam niyang makapagdarasal siya kahit saan.

Isang araw nagpasiya si Sofía at ang nanay niya na puntahan sa trabaho ang tatay niya. Mahabang biyahe iyon. Nagtatrabaho ang tatay niya sa ibang bayan. Kailangan nilang sumakay sa bus, sa trak, at sa taxi.

Sa biyahe sa bus, nakatulog si Sofía. Nagising siya nang makarinig siya ng sanggol na umiiyak. May sumakay na mag-asawang may dalang sanggol sa bus. Ang sanggol ay maysakit at umiiyak nang malakas. Nag-aalala ang mga magulang ng sanggol.

Naawa si Sofía sa sanggol. Naawa rin siya sa mga magulang nito. Pagkatapos ay may naisip siya. Bumulong siya kay Inay. “Maaari po ba akong magdasal at hilingin sa Ama sa Langit na basbasan ang sanggol?”

“Oo naman,” sabi ni Inay na nakangiti.

Yumuko si Sofía at tahimik na nagdasal. Taimtim ang dasal niya. Hiniling niya sa Ama sa Langit na basbasan ang sanggol. Hiniling niya sa Kanya na tulungang bumuti ang pakiramdam ng sanggol at tumigil ito sa pag-iyak.

Alam ni Sofía na hindi natin palaging natatanggap ang ipinagdarasal natin. Alam din niya na hindi palaging nasasagot kaagad ang ating mga dalangin. Ngunit maya-maya pa ay napanatag ang sanggol. At tumigil na ito sa pag-iyak. Tila bumuti na ang pakiramdam niya. Hindi na gaanong nag-alala ang kanyang mga magulang.

Nakadama ng sigla at saya si Sofía. Masaya siya para sa sanggol—at para sa mga magulang nito. Alam niya na narinig ng Ama sa Langit ang kanyang panalangin.