Notebook ng Kumperensya ng Oktubre 2014
“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38 ).
Habang nirerepaso ninyo ang pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2014, magagamit ninyo ang mga pahinang ito (at ang mga Notebook ng Kumperensya sa susunod na mga isyu) para matulungan kayong pag-aralan at ipamuhay ang mga itinuro kamakailan ng mga buhay na propeta at apostol at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan.
Bawat kumperensya, ang mga propeta at apostol ay nagbibigay ng inspiradong mga sagot sa mga tanong ng mga miyembro ng Simbahan. Gamitin ang inyong isyu ng Nobyembre 2014 o bisitahin ang conference.lds.org para makita ang sagot sa mga tanong na ito:
Paano naging isa ang Ama sa Langit at si Jesucristo? Tingnan sa Robert D. Hales, “Buhay na Walang Hanggan—ang Makilala ang Ating Ama sa Langit at ang Kanyang Anak na si Jesucristo,” 80.
Ano ang patotoo at paano ako magkakaroon nito? Tingnan sa Craig C. Christensen, “Alam Ko ang mga Bagay na Ito sa Aking Sarili,” 50.
Ano ang gagawin ko habang naghahanap ako ng sagot sa aking mga tanong? Tingnan sa M. Russell Ballard, “Manatili sa Bangka at Kumapit nang Mahigpit!” 89.
“Pinatototohanan ko ang mga himala, kapwa espirituwal at temporal, na dumarating sa mga taong sumusunod sa batas ng ayuno. … Itangi ang sagradong pribilehiyong iyan kahit minsan lang sa isang buwan, at maging bukas-palad sa pagbibigay ng handog-ayuno at iba pang kontribusyon na pangkawanggawa, pang-edukasyon, at para sa mga missionary kung kaya ninyo. Ipinapangako ko na magiging bukas-palad sa inyo ang Diyos, at yaong mga napapaginhawa ninyo ay tatawagin kayong pinagpala magpakailanman.”
Elder Jeffrey R. Holland, “Hindi Ba’t Tayong Lahat ay mga Pulubi?” Liahona, Nob. 2014, 42.
Para mabasa, mapanood, o mapakinggan ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, bisitahin ang conference.lds.org.