2022
Ulat ng Church Auditing Department, 2021
Mayo 2022


1:42

Ulat ng Church Auditing Department, 2021

Sa Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Mahal na mga Kapatid: Ayon sa paghahayag, na nakatala sa bahagi 120 ng Doktrina at mga Tipan, ang Council on the Disposition of the Tithes—na binubuo ng Unang Panguluhan, Korum ng Labindalawang Apostol, at Presiding Bishopric—ang nagbibigay ng awtoridad sa paggastos ng pondo ng Simbahan. Ginugugol ng mga sangay ng Simbahan ang mga pondo alinsunod sa inaprubahang mga badyet, patakaran, at pamamaraan.

Ang Church Auditing, na binubuo ng mga sertipikadong propesyonal at hindi sakop ng iba pang mga departamento at sangay ng Simbahan, ay may responsibilidad na magsagawa ng mga audit para makapagbigay ng makatwirang katiyakan tungkol sa mga kontribusyong natanggap, paggastos na ginawa, at pangangalaga sa mga ari-arian ng Simbahan.

Batay sa isinagawang mga audit, sa opinyon ng Church Auditing, sa lahat ng mahahalagang bagay, ang mga kontribusyong natanggap, paggastos na ginawa, at mga ari-arian ng Simbahan para sa taong 2021 ay naitala at napangasiwaan alinsunod sa mga budget, pamamaraan sa accounting, at patakaran na inaprubahan ng Simbahan. Sinusunod ng Simbahan ang mga itinuturo sa mga miyembro nito na mamuhay ayon sa badyet, iwasan ang mangutang, at mag-impok para sa panahon ng pangangailangan.

Buong paggalang na isinumite,

Church Auditing Department

Jared B. Larson

Managing Director