2022
Tracy Y. Browning
Mayo 2022


“Tracy Y. Browning,” Liahona, Mayo 2022.

Tracy Y. Browning

Pangalawang Tagapayo sa Primary General Presidency

Si Tracy Y. Browning ay mga 15 taong gulang nang makakita ang kanyang ina ng isang patalastas tungkol sa Aklat ni Mormon sa isang late-night television infomercial at humiling ng libreng kopya.

Sa loob ng maikling panahon, kumatok ang mga missionary na Banal sa mga Huling Araw sa kanyang pintuan, ibinigay ang Aklat ni Mormon, at nagsimulang ituro sa kanya ang ebanghelyo ni Jesucristo.

Sa panahong iyon, nakatira si Tracy sa New Jersey, USA, kasama ang kanyang ama, ngunit madalas niyang bisitahin ang kanyang ina sa New York, USA. Habang bumibisita, napagmasdan ni Tracy nang may pag-uusisa ang pag-usad ng kanyang ina tungo sa binyag.

Kasama ang kanyang lola, nakadalo si Tracy sa isang simbahang Kristiyano, kung saan nalaman niya ang mga pangunahing paniniwala ng mga Kristiyano. Hindi nagtagal ay nagsimulang dumalo si Tracy sa mga pagsamba ng mga Banal sa mga Huling Araw tuwing Linggo kasama ang kanyang ina.

Dumating ang pinakadakilang karanasan nang dumalo ang mag-ina sa Hill Cumorah Pageant. Nakaantig sa kanya ang pagtayo sa Sagradong Kakahuyan, pagsisimba, at pakikinig sa mga mensahe ng ebanghelyo sa bagong paraan. Sinabi ni Tracy sa kanyang ina na handa na siyang matuto pa tungkol sa Simbahan.

“Pinaupo niya ako kaagad sa harap ng mga missionary pagkatapos niyon,” sabi ni Sister Browning.

Si Tracy Yeulande Browning ay isinilang sa New Rochelle, New York, noong Oktubre 9, 1976, sa mga magulang na sina Clive Adams at Sharon Cox. Lumaki siya sa Jamaica, New Jersey, at New York. Nagpakasal siya kay Brady Browning sa Salt Lake Temple noong Mayo 2, 1997. Sila ay may dalawang anak.

Si Sister Browning ay nag-aral sa St. John’s University. Nagtrabaho siya sa financial services nang 15 taon at ngayo’y isa nang direktor sa Publishing Services Department ng Simbahan. Nagboluntaryo rin si Sister Browning sa National Multiple Sclerosis Society, Habitat for Humanity, at sa United Way’s Day of Caring.

Si Sister Browning ay nakapaglingkod na bilang ward at stake Relief Society presidency counselor, bilang Relief Society at Sunday School teacher, at sa organisasyon ng Young Women. Naglilingkod siya sa Relief Society general advisory council nang tinawag siya sa Primary General Presidency.