2022
Elder Ryan K. Olsen
Mayo 2022


“Elder Ryan K. Olsen,” Liahona, Mayo 2022.

Elder Ryan K. Olsen

General Authority Seventy

Noong lumalaki si Elder Ryan K. Olsen sa Sandy, Utah, USA, hindi siya pinapayagan ng kanyang mga magulang na umalis ng bahay nang wala ang mahalagang paalalang ito: “Alalahanin mo kung sino ka.”

“Dati-rati’y naiinis ako roon noong binatilyo pa ako,” sabi niya, habang tumatawa. “Pero naipaalala sa akin ng mga salitang iyon ang aking banal na pagkatao. Naipaalala nito sa akin na mayroon akong Ama sa Langit na nagmamahal sa akin at na ang Tagapagligtas ang pinakamatalik kong kaibigan. Lahat ng bagay na inaasam nating gawin o isakatuparan ay sa pamamagitan lamang Niya.”

Ang nakapapanatag na pagkakilalang iyon sa sarili at ang mga halimbawa ng kanyang mga magulang, mga kapwa missionary, kasamahan sa Simbahan, at matatalinong tagapagturo sa negosyo ang mahahalagang kasangkapang gagamitin ni Elder Olsen sa pagsisimula ng kanyang paglilingkod bilang General Authority Seventy.

Isinilang noong Oktubre 11, 1974, at lumaki sa Salt Lake Valley sa Utah, si Ryan Kirk Olsen ay anak nina Kirk at Cathy Olsen.

Tumibay ang pagmamahal ni Elder Olsen para sa Latin America at sa wikang Espanyol nang maglingkod siya bilang full-time missionary sa Argentina Resistencia Mission. Kalaunan, magkasama silang naglingkod ng kanyang asawang si Julie Dorrington Olsen nang mangulo siya sa Uruguay Montevideo West Mission mula 2016 hanggang 2019.

Ikinasal sila ni Sister Olsen noong Nobyembre 20, 1998, sa Salt Lake Temple. Sila ay may apat na anak.

Nang tinawag siya para maging General Authority Seventy, si Elder Olsen ay naglilingkod bilang Area Seventy. Nakapaglingkod na rin siya bilang stake president, stake mission president, high councilor, bishop, tagapayo sa isang bishopric, at tagapayo sa ward Young Men presidency.

Si Elder Olsen ay nagtamo ng degree sa mass communications mula sa University of Utah at nagtrabaho sa iba’t ibang larangan ng negosyo. Isa siyang area president noon para sa Arthur J. Gallagher & Co., isang global insurance firm, nang tinawag siya bilang mission president. Nang tinawag siya sa Pitumpu, nagtatrabaho siya bilang area senior vice president para sa kumpanyang iyon.

Print