“Elder Isaac K. Morrison,” Liahona, Mayo 2022.
Elder Isaac K. Morrison
General Authority Seventy
Sinabi ni Elder Isaac K. Morrison na kakaunti ang tulog nilang mag-asawa mula nang tawagin ni Pangulong Russell M. Nelson si Elder Morrison na maglingkod bilang General Authority Seventy.
“Alam namin na magiging isang paglalakbay ito para sa amin,” sabi niya. “Aasa kami na ipapakita sa amin ng Panginoon kung ano ang dapat naming gawin.”
Si Elder Morrison ay tinawag bilang stake president noong 2014, Area Seventy noong 2018, at pangulo ng Ghana Cape Coast Mission noong 2020.
“Bawat tungkulin ay dumating sa panahon na hindi ko iyon inasahan,” sabi niya. “Pero nagtitiwala ako sa Panginoon at hindi sa sarili kong mga kakayahan.”
Si Elder Morrison ay may master of science degree sa strategic management and leadership mula sa Kwame Nkrumah University of Science and Technology sa Ghana. Nagtrabaho siya para sa Simbahan sa iba’t ibang posisyon simula noong 2004, nitong huli bilang lider at member support manager para sa West Africa.
Si Isaac Kofi Morrison ay isinilang noong Nobyembre 25, 1977, sa Takoradi, Ghana, sa mga magulang na sina Joseph Kojo Morrison at Mary Efua Obua Sarfo.
Noong bata siya, nagsimba si Elder Morrison at ang kanyang pamilya sa ibang simbahan. Nang makitira siya sa pamilya ng tito niya para mag-aral sa hayskul, dumalo siya sa mga miting ng mga Banal sa mga Huling Araw na kasama nila at pagkatapos ay dumalo siya sa mga miting ng kanyang simbahan. Inanyayahan siya ng isang guro sa early-morning seminary na dumalo sa seminary, kung saan nakilala niya si Hannah Nyarko.
“Napakatalino niya at maganda ang mga ibinibigay niyang komento,” sabi niya. “Talagang ginanahan akong pag-aralan ang iba pa dahil doon.” Matapos pag-aralan ang Aklat ni Mormon noong taong iyon, sinabi niya, “Handa na akong mabinyagan.”
Noong Disyembre 18, 2004, ikinasal sila ni Hannah sa Takoradi at nabuklod pagkaraan ng tatlong araw sa Accra Ghana Temple. Mayroon silang tatlong anak na lalaki.
Bukod sa iba pa niyang mga tungkulin, si Elder Morrison ay naglingkod bilang stake presidency counselor, bishop, bishopric counselor, elders quorum president, Gospel Doctrine teacher, seminary teacher, at full-time missionary sa Nigeria.