2022
Elder Jonathan S. Schmitt
Mayo 2022


“Elder Jonathan S. Schmitt,” Liahona, Mayo 2022.

Elder Jonathan S. Schmitt

General Authority Seventy

Sabi ni Elder Jonathan S. Schmitt, “pagiging available” ang maibibigay niya sa kanyang calling bilang bagong sinang-ayunang General Authority Seventy.

“Iyan lang ang mayroon tayo,” sabi niya. “Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng bagbag na puso at nagsisising espiritu ay iaalay mo lang sa altar ang puso mo at hahayaan ang Panginoon na gawin ang Kanyang kalooban mula roon.”

Dagdag pa ni Elder Schmitt, “Mabibigyan tayo ng Panginoon ng lakas, mga talento, at mga kaloob na kailangan natin upang maisakatuparan ang Kanyang gawain. Ngunit kung hindi natin gagawing available ang ating sarili sa Kanya, pumipili tayo para sa ating sarili at hindi natin Siya binibigyan ng pagkakataong pagpalain tayo sa ating mga pagsisikap na paglingkuran Siya.”

Si Jonathan Stephen Schmitt ay isinilang noong Abril 16, 1973, sa Mesa, Arizona, USA, sa mga magulang na sina Robert Edward at Dianne Lyda Schmitt. Lumaki siya sa Yuma, Arizona. Noong Hulyo 21, 1995, pinakasalan niya si Alexis Swain Udall sa Mesa Arizona Temple. Sila ay may apat na anak.

Si Elder Schmitt ay tumanggap ng bachelor of science degree sa agricultural and resource economics noong 1997 at juris doctor degree noong 2000, kapwa mula sa University of Arizona.

Matapos maglingkod bilang law clerk para sa Arizona Supreme Court, nagtrabaho siya bilang abugado para sa international law firm ng Akin Gump Strauss Hauer & Feld LLP. Kalaunan ay nagtrabaho siya bilang abugado at litigation counsel para sa Baker Hughes Incorporated. Dagdag pa rito, nagtrabaho siya bilang assistant vice president sa Arizona State University.

Si Elder Schmitt ay naglilingkod bilang Area Seventy sa North America Southwest Area nang tawagin siya bilang General Authority Seventy. Kabilang sa kanyang mga dating tungkulin ang paglilingkod bilang pangulo ng California San Diego Mission mula 2014 hanggang 2017, stake president, bishop, stake presidency counselor, high councilor, elders quorum president, ward executive secretary, counselor sa stake Young Men presidency, high priests group leader, stake missionary preparation teacher, at full-time missionary sa California Fresno Mission.

Print