Welcome sa Isyung Ito
Mga Tampok na Kaganapan sa Ika-192 na Taunang Pangkalahatang Kumperensya
Napakalaking pagpapala sa mahihirap na panahong ito ang tumanggap ng patnubay at payo mula sa Panginoong Jesucristo, na namumuno sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan sa pamamagitan ng mga buhay na propeta at apostol.
Sa oras ng pangkalahatang kumperensya, nagpaabot ang Panginoon ng ilang paanyaya sa pamamagitan ng Kanyang propetang si Pangulong Russell M. Nelson. Narito ang ilan lang sa mga ito:
1. Ibahagi ang Kapangyarihan at Kapayapaan ni Jesucristo
Ipinaalala ni Pangulong Nelson sa mga miyembro ang ating “sagradong responsibilidad na ibahagi ang kapangyarihan at kapayapaan ni Jesucristo sa lahat ng makikinig.” Sa mahihirap na panahong ito, “bawat tao ay nararapat na malaman kung saan siya makasusumpong ng pag-asa at kapayapaan na ‘hindi maabot ng pag-iisip’ [Filipos 4:7].”
-
Para mabasa ang panawagan ni Pangulong Nelson para sa bawat karapat-dapat at may kakayahang binata na maghanda para sa misyon at maglingkod sa misyon, tingnan sa “Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan” sa pahina 6.
2. Bumuo ng Positibong Espirituwal na Momentum
Itinuro ni Pangulong Nelson, “Ngayon natin kailangan ang positibong espirituwal na momentum, para malabanan ang bilis ng pagtindi ng kasamaan at kadiliman ngayon.”
-
Humanap ng limang partikular na paanyaya mula kay Pangulong Nelson tungkol sa pagdaragdag sa ating espirituwal na momentum sa “Ang Kapangyarihan ng Espirituwal na Momentum” sa pahina 97.
3. Piliin kung Paano Ninyo Gugugulin ang Inyong Oras
Ipinaliwanag ni Pangulong Nelson na may ilang bagay na hindi natin kontrolado. “Ngunit may [ilang] bagay na kaya nating kontrolin,” sabi niya, “kabilang ang paraan kung paano natin ginagamit [ginugugol] ang ating oras.”
-
Basahin ang paanyaya ni Pangulong Nelson na gumugol ng oras sa pagtutuon sa mga pagpapala ng templo sa “Ngayon ang Panahon” sa pahina 126.
Sa inyong pag-aaral at pagkilos ayon sa mga paanyayang ito, inaanyayahan namin kayo na isiping ibahagi ang iyong karanasan sa iba sa pamamagitan ng Liahona.