2022
Susan H. Porter
Mayo 2022


“Susan H. Porter,” Liahona, Mayo 2022.

Susan H. Porter

Primary General President

“Ang isang bagay na naikintal sa ating isipan sa nakaraang taon ay, paano natin mapapalakas sa espirituwal ang mga bata?” sabi ni Sister Susan H. Porter. “Kapag pinag-uusapan natin ang pagpapalakas ng pananampalataya ng bagong henerasyon, kailangang magsimula iyan sa Primary.”

Nakikita ni Sister Porter ang mga pagpapalang dumarating sa binyagang mga bata kapag lumalahok sila bilang mga pinagtipanang miyembro ng Simbahan.

“Madalas ay sa paggawa at paglilingkod nadaragdagan ang ating patotoo,” paliwanag niya. “Ang mga bata ay maaaring matutong humingi ng inspirasyon mula sa langit.”

Bago siya tinawag bilang Primary General President, nakapaglingkod na si Pangulong Porter bilang Unang Tagapayo sa Primary General Presidency sa loob ng isang taon.

Sinabi niya na maraming bata ang hindi makalahok sa Primary noong panahon ng pandemyang COVID-19. Nakita rin niya, at nalalaman, ang mga hamong kinakaharap ng single na kababaihan. Pumanaw ang kanyang asawang si Elder Bruce D. Porter ng Pitumpu noong 2016.

“Maraming Linggo na hindi ako tumanggap ng sakramento,” sabi niya.

Nang maibahagi niya ang kanyang mga karanasan, sinabi sa kanya ng iba pang kababaihan, “Ang katotohanan na naglilingkod ka sa Simbahan ay nagbibigay sa akin ng mas magandang pananaw na kailangan din ako ng Simbahan.”

Si Susan Elizabeth Holland Porter ay isinilang noong Hulyo 31, 1955, sa Ponca City, Oklahoma, USA, sa mga magulang na sina Hans J. at Charlene Coleman Holland at lumaki sa New York, USA.

Nagpakasal siya kay Elder Porter noong Pebrero 2, 1977, sa Washington D.C. Temple. Pinalaki nila ang kanilang apat na anak sa silangang bahagi ng United States, Germany, at Utah at ginampanan ang mga tungkulin sa Simbahan sa Europe East Area.

Si Sister Porter ay nagtapos na may bachelor’s degree sa chemistry mula sa Brigham Young University. Nagtrabaho siya bilang lab assistant para sa Massachusetts Institute of Technology at bilang math teacher. Nagboluntaryo rin siya sa iba’t ibang organisasyon sa komunidad at pangsibiko.

Nakapaglingkod na si Sister Porter sa Relief Society general advisory council, at kabilang sa iba pa niyang mga calling ang stake Relief Society presidency counselor, ward Relief Society at Young Women president, Gospel Doctrine teacher, at Primary music leader.