2022
Elder Mark D. Eddy
Mayo 2022


“Elder Mark D. Eddy,” Liahona, Mayo 2022.

Elder Mark D. Eddy

General Authority Seventy

Noong tag-init bago ang senior year ni Elder Mark D. Eddy sa high school, inanyayahan siya ng isang seminary teacher at ng iba pang mga miyembro ng kanilang seminary student council na basahin ang Aklat ni Mormon. Maraming beses niya itong nabasa kasama ang kanyang pamilya, ngunit ito ang unang pagkakataon na gagawin niya ito nang mag-isa.

Nagpasiya siyang manalangin bago at matapos siyang magbasa araw-araw. Umasa siya na isang malinaw na sagot tungkol sa katotohanan ng aklat ang darating sa loob ng isa o dalawang linggo. Matapos magbasa nang mahigit dalawang buwan, hindi pa rin niya natanggap ang kanyang inaasam na pagpapatibay.

Ilang oras bago ang isang “welcome back” seminary devotional kung saan hinilingan siyang magpatotoo, maagang dumating si Elder Eddy para tumulong sa pag-aayos. Pagkatapos ay nakakita siya ng isang tahimik na lugar para basahin ang Aklat ni Mormon at manalangin.

“Pagkatapos ay natanggap ko ang malinaw at di-maipagkakailang damdaming iyon na ito ay totoo,” sabi niya. “Tamang-tama ang dating niyon para maibahagi ko ang aking patotoo sa gabing iyon. Kinailangan ng sapat na pagsisikap para matanggap ang damdaming iyon at sapat ang itinagal niyon para hindi ko iyon malimutan kailanman.”

Si Elder Mark David Eddy ay isinilang sa Long Beach, California, USA, noong Marso 30, 1973, sa mga magulang na sina Richard Cleighton Eddy at Mary Louise Savage Eddy. Lumaki siya sa Orem, Utah, at pinakasalan si Annette “Annie” Allen sa Provo Utah Temple noong Agosto 1994. Sila ay may anim na anak.

Si Elder Eddy ay nagtapos sa Brigham Young University noong 1996 na may bachelor’s degree sa communications at tumanggap ng Juris Doctor degree mula sa BYU noong 2001. Mula noon ay nagtrabaho na siya bilang abugado at business executive.

Si Elder Eddy ay nakapaglingkod na bilang Area Seventy, pangulo ng Uruguay Montevideo Mission, tagapayo sa stake presidency, bishop, high councilor, tagapayo sa isang bishopric, ward Young Men president, at full-time missionary sa Dominican Republic Santo Domingo East Mission.