2022
J. Anette Dennis
Mayo 2022


“J. Anette Dennis,” Liahona, Mayo 2022.

J. Anette Dennis

Unang Tagapayo sa Relief Society General Presidency

Matapos gugulin ang kanyang pagkabata sa iba’t ibang lugar sa buong Estados Unidos, inakala ni Sister Jeannie Anette Dennis na natupad na ang kanyang mga pangarap nang lumipat ang kanyang pamilya sa Cottonwood Heights, Utah.

“Akala ko lahat ng tao sa Utah ay miyembro ng Simbahan at na magiging isang kanlungan ito,” sabi niya.

Noong unang ilang araw niya sa ikasiyam na baitang, nasabik siyang maanyayahan sa isang party. Ngunit binalaan siya ng isang batang babaeng naging matalik niyang kaibigan na ang mga tao sa party ay gumagamit ng droga.

“Mabilis kong natutuhan na ang mundo ay nasa lahat ng dako,” sabi niya. Gayunman, dahil sa kanyang patotoo at tahanang nakasentro sa ebanghelyo, nanatili siyang matatag sa buong high school niya.

Isinilang sa Provo, Utah, noong Hunyo 1960, si Jeannie Anette Herrin ang panganay sa pitong anak nina Curtis Lamar at Patricia Joanne Herrin. Dinala ng kanyang ama ang pamilya sa Mississippi, Tennessee, Iowa, Nebraska, at Utah dahil sa trabaho nito.

Nag-aral siya ng elementary education sa Brigham Young University at nag-minor sa Spanish. Sa isang class trip papuntang Mexico, nakilala niya si Jorge Dennis, at nagsimulang magsulatan ang dalawa.

Nang lumipat si Jorge sa Salt Lake City makalipas ang isang taon para mag-aral ng English, nagsimula silang magdeyt. Sa loob ng ilang buwan, naging engaged sila. Ikinasal sila sa Salt Lake Temple noong Setyembre 4, 1980. Sila ay may apat na anak at siyam na apo. Nakatira sila sa Bountiful, Utah.

Si Sister Dennis, na sinang-ayunan noong Abril 2, ay magsisimulang maglingkod bilang Unang Tagapayo sa Relief Society General Presidency sa Agosto 1. Naglilingkod siya sa Primary general advisory council at silang mag-asawa sa Davis County communications council.

Mula 2013 hanggang 2016, naglingkod sila ng kanyang asawa nang mangulo ito sa Ecuador Guayaquil West Mission. Naglingkod din siya bilang assistant sa matron ng Guayaquil Ecuador Temple, stake Relief Society secretary, ward Primary president, ward Relief Society at Young Women presidency counselor, Relief Society teacher, at temple ordinance worker.