2022
Bagong Resources
Mayo 2022


Bagong Resources

Isang buod ng resources na nagawang available kamakailan para tulungan ang mga miyembro na ipamuhay ang ebanghelyo, patatagin ang kanilang pamilya, at pangasiwaan ang mga responsibilidad sa Simbahan.

Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Ang picture book na ito ay mayroon na ngayong bagong mga larawang-guhit at pagsasalaysay na tutulong sa mga pamilya sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Ang binagong aklat ay may mahigit 350 bagong larawang-guhit. Lahat ng naunang kuwento ay muling isinulat, siyam na kuwento ang idinagdag, at ang aklat ay isinalin sa 63 wika. Ang mga animated video at audio narration ay may pagsasalin sa 10 wika para sa bawat kuwento. Ang Mga Kuwento sa Lumang Tipan at ang mga kasamang video nito ay available online sa scripturestories.ChurchofJesusChrist.org, sa Gospel Library at sa Gospel for Kids apps, at sa YouTube. Ang print version ay makukuha sa pamamagitan ng store.ChurchofJesusChrist.org o sa mga distribution center.

Mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay

Ipinakikila ng bagong polyetong ito ang mga Muslim (mga alagad ng Islam) at ang mga Banal sa mga Huling Araw sa isa’t isa. Una itong inilahad nina Elder David A. Bednar at Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol sa isang kumperensya tungkol sa Islam sa Brigham Young University noong Oktubre 2021. Ang polyeto ay available sa Gospel Library (sa ChurchofJesusChrist.org o sa mobile app) sa Arabic, English, Farsi, French, German, Russian, Spanish, at Turkish. Sa Gospel Library, magpunta sa Books and Lessons at pagkatapos ay buksan ang Interfaith Relations.

Pagkakataong Makakuha ng Scholarship

Ang BYU–Pathway Worldwide ay nag-aalok na ngayon ng pagkakataong makakuha ng scholarship sa bawat estudyante, batay sa pangangailangan. Hindi kailangan ng mataas na grado para maging kwalipikado sa scholarship. Kailangan lang kumpletuhin ng mga estudyanteng nakaenrol sa PathwayConnect ang isang informational module.

Finding Strength in the Lord: Emotional Resilience [Pagkakaroon ng Lakas sa Panginoon: Emosyonal na Katatagan]

Ang self-reliance course na ito ay available na ngayon sa Albanian, Chinese, Czech, Danish, Dutch, English, French, German, Hungarian, Italian, Japanese, Korean, Portuguese, Russian, at Spanish.

Mga Gabay sa Calling

Ang mga bagong gabay sa calling sa pamumuno ay tumutulong sa mga lider ng Young Women na turuan ang mga kabataan. Para mahanap ang mga gabay sa Gospel Library, magpunta sa Mga Hanbuk at Tungkulin, na sinusundan ng Mga Tungkulin sa Ward o Branch at pagkatapos ay Young Women. Ang karagdagang resources ay matatagpuan sa YoungWomen.ChurchofJesusChrist.org.

Contact Information

Ang mga Banal sa mga Huling Araw na nagmisyon mula noong 2000 ay maaari na ngayong magbahagi ng kanilang contact information sa dati nilang mga mission leader sa pamamagitan ng isang bagong mission directory sa Member Tools app. Sa pagpiling magbahagi, pinahihintulutan ng isang dating missionary ang mga mission leader na makita ang kanyang pangalan at contact information. Pagkatapos ay magagamit na ng mga mission leader ang impormasyong ito para makipag-ugnayan sa mga missionary, kapwa nang mag-isa at bilang isang grupo.

Gospel for Kids

Ang YouTube channel na ito ay available na ngayon sa English, Portuguese, at Spanish. Ang bagong Gospel Library section na tinatawag na Mga Bata ay nagpapahintulot sa mga bata na makilahok sa mga kuwento, video, at mga interactive activity.

Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Ang mga pinakahuling pagbabago ay kumpleto na ngayon sa English, at susunod ang iba pang mga wika sa taong 2022.