“1: Mga Action Partner,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020) “1. Mga Action Partner,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin Mga Action Partner Ang Naitutulong ng mga Action Partner Basahin: Sa tulong ng iba, makagagawa kayo ng magagandang bagay. Halimbawa, ang mga missionary ay may mga kompanyon na sumusuporta sa kanila. Sa ating mga grupo, mayroon tayong mga action partner. Ang mga action partner ay nagtutulungan para magawa nila ang mga ipinangako nila sa pamamagitan ng: Pagtawag, pag-text, o pagbisita sa isa’t isa sa buong linggo. Pag-uusap tungkol sa natutuhan natin sa miting ng grupo. Paghikayat sa isa’t isa na tuparin ang mga ipinangakong gagawin. Pagpapayuhan tungkol sa mga hamon. Pagdarasal para sa isa’t isa. Talakayin: Paano nakatulong sa inyo ang isa pang tao para magawa ang isang bagay na mahirap noon? Basahin: Ang pagiging action partner ay hindi mahirap o nangangailangan ng mahabang oras. Para masimulan ang pag-uusap, maaari ninyong itanong: Ano ang nagustuhan mo sa huling miting ng ating grupo? Anong mabubuting bagay ang nangyari sa iyo sa linggong ito? Paano mo ginamit ang Ang Aking Saligang Alituntunin sa linggong ito? Ang pinakamahalagang bahagi ng talakayan ay matulungan ang isa’t isa na magawa ang mga ipinangako nila. Maaari ninyong itanong: Ano na ang mga nagawa mo sa iyong mga pangako? Kung hindi mo pa nagagawa ang ilan sa mga ito, kailangan mo ba ng tulong? Paano ko masusuportahan nang mabuti ang iyong mga pagsisikap?