Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Mensahe mula sa Unang Panguluhan


“Mensahe mula sa Unang Panguluhan,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“Mensahe mula sa Unang Panguluhan,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Mensahe mula sa Unang Panguluhan

Mahal Naming mga Kapatid:

Ipinahayag ng Panginoon, “Layunin ko ito na maglaan para sa aking mga banal” (Doktrina at mga Tipan 104:15). Ang paghahayag na ito ay isang pangako mula sa Panginoon na magbibigay Siya ng mga temporal na biyaya at mga oportunidad para maging self-reliant, na kakayahan nating matustusan ang mga pangangailangan natin at ng ating pamilya sa buhay na ito.

Ang workbook na ito ay inihanda upang tulungan ang mga miyembro ng Simbahan na matutuhan at maipamuhay ang mga alituntunin ng pananampalataya, edukasyon, kasipagan, at pagtitiwala sa Panginoon. Sa pagtanggap at pagsasabuhay ng mga alituntuning ito, higit ninyong makakamtan ang lakas na ipinangako ng Panginoon.

Inaanyayahan namin kayo na pag-aralang mabuti at ipamuhay ang mga alituntuning ito at ituro ang mga ito sa mga miyembro ng inyong pamilya. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain ang inyong buhay. Matututuhan ninyo kung ano ang dapat gawin upang lalo pang maging self-reliant. Bibiyayaan kayo ng mas malaking pag-asa, kapayapaan, at pag-unlad.

Magtiwala na kayo ay anak ng ating Ama sa Langit. Mahal Niya kayo at hindi Niya kayo pababayaan. Kilala Niya kayo at handa Siya na ipagkaloob sa inyo ang mga espirituwal at temporal na biyaya ng self-reliance.

Taos-pusong sumasainyo,

Ang Unang Panguluhan