Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Isipin


“3: Isipin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“3: Isipin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Isipin—Maximum na Oras: 5 Minuto

Isipin nang mag-isa ang natutuhan mo ngayon, at ang maaaring ipagawa sa iyo ng Diyos. Basahin ang scripture passage at isulat ang iyong mga sagot sa mga tanong sa ibaba.

“At lahat ng banal na makatatandang sumunod at gawin ang mga salitang ito, lumalakad sa pagsunod sa mga kautusan, ay tatanggap ng kalusugan sa kanilang pusod at kanilang utak-sa-buto; at makatatagpo ng karunungan at malaking kayamanan ng kaalaman, maging mga natatagong kayamanan; at tatakbo at hindi mapapagod, at lalakad at hindi manghihina. At ako, ang Panginoon, ay nagbibigay sa kanila ng pangako, na ang mapangwasak na anghel ay lalampasan sila, gaya ng mga anak ni Israel, at hindi sila papatayin. Amen” (Doktrina at mga Tipan 89:18–21).

Ano ang mga pinakamakabuluhang bagay na natutuhan ko ngayon?

Ano ang isang bagay na gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon? (Maaaring ito ang iyong personal na pangako para sa linggong ito. Kung wala kang maisip na pangako, may nakalistang ilang posibleng ideya sa ibaba.)

Mga Ideya para sa Pangako:

  • Sundin ang isang plano sa pag-eehersisyo.

  • Magpahinga at matulog.

  • Ugaliing maging malinis sa katawan.

  • Kausapin ang isang kaibigan o kapamilya tungkol sa aking mga gawi sa pagkain.