Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Isipin


“9: Isipin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“9: Isipin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Isipin—Maximum na Oras: 5 Minuto

Isipin nang mag-isa ang natutuhan mo ngayon, at ang maaaring ipagawa sa iyo ng Diyos. Basahin ang sipi at isulat ang iyong mga sagot sa mga tanong sa ibaba.

“Pinatototohanan ko ang araw na iyon kung saan ang ating mga mahal sa buhay na alam nating may mga kapansanan sa mortalidad ay tatayo sa ating harapan na niluwalhati at maringal, sakdal-ganda sa katawan at isipan. Napakasaya ng sandaling iyon! Hindi ko alam kung magiging mas masaya tayo para sa ating sarili na nasaksihan natin ang gayong himala o mas masaya tayo para sa kanila na ganap na perpekto at ‘malaya na rin sa wakas.’ Hanggang sa oras na iyon na makita nating lahat ang lubos na kaloob ni Cristo, nawa’y mamuhay tayo sa pananampalataya, mahigpit na nakakapit sa pag-asa, at magpakita ng ‘[pagdamay sa isa’t isa]’ [1 Pedro 3:8]” (Jeffrey R. Holland, “Parang Basag na Sisidlan,” Liahona, Nob. 2013, 42).

Ano ang mga pinakamakabuluhang bagay na natutuhan ko ngayon?

Ano ang isang bagay na gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon? (Maaaring ito ang iyong personal na pangako para sa linggong ito. Kung wala kang maisip na pangako, may nakalistang ilang posibleng ideya sa ibaba.)

Mga Ideya para sa Pangako:

  • Bigyan ng lakas ang isang taong kilala mo na nangangailangan ng suporta.

  • Magpraktis gamit ang mga nakatutulong na tugon kapag nagbibigay ng suporta sa iba (tingnan sa item 3 sa bahaging “Matuto”).