“4: Matuto,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)
“4: Matuto,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin
Matuto—Maximum na Oras: 60 Minuto
1. Ano ang Stress at Pagkabalisa?
2. Pag-unawa sa mga Lebel ng Stress
3. Pagiging Alerto para Mabawasan ang Stress
4. Pagtamo ng Lakas mula sa Diyos
Basahin:
Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ang tungkol sa kapangyarihan ni Cristo na palakasin tayo sa anumang sitwasyong kinakaharap natin: “Alam niya kung gayon ang ating mga paghihirap, dalamhati, tukso, at pagdurusa, sapagkat kusang-loob Niyang dinanas ang lahat ng ito bilang mahalagang bahagi ng Kanyang Pagbabayad-sala. At dahil dito, binigyang-kapangyarihan Siya ng Kanyang Pagbabayad-sala na tulungan tayo—na bigyan tayo ng lakas na tiisin ang lahat. …
“… Ang Pagbabayad-sala ng ating Tagapagligtas ay higit pa ang ginagawa kaysa tiyakin sa atin ang imortalidad sa pamamagitan ng pagkabuhay na mag-uli ng buong sansinukob at naglalaan ng pagkakataon na maging malinis tayo mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pagsisisi at pagpapabinyag. Binibigyan din tayo ng Kanyang Pagbabayad-sala ng pagkakataong manawagan sa Kanya na dumanas ng lahat ng ating mortal na kahinaan upang pagalingin at palakasin tayo na dalhin ang mga pasanin ng mortalidad. Alam niya ang ating dalamhati, at nariyan Siya para sa atin. Gaya ng mabuting Samaritano, kapag nakita Niya tayong sugatan sa tabing-daan, bebendahan Niya ang ating mga sugat at aalagaan tayo (tingnan sa Lucas 10:34). Ang nagpapagaling at nagpapalakas na kapangyarihan [ni Jesucristo] at ng [Kanyang] Pagbabayad-sala ay para sa ating lahat na hihingi” (“Pinalakas ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Liahona, Nob. 2015, 62, 64).
Talakayin:
Paano makatutulong sa inyo ang palaging pag-alaala sa Tagapagligtas para mas madaig ninyo ang stress at pagkabalisa?
5. Perpeksiyonismo
Basahin:
Ang perpeksiyonismo ay ang paniniwala na kung hindi tayo perpekto sa lahat ng bagay, tayo ay bigo at hindi karapat-dapat sa Diyos o sa sinuman. Gayunman, alam natin na binigyan tayo ng Panginoon ng kahinaan upang tulungan tayong manatiling mapagpakumbaba at madaling turuan (tingnan sa Eter 12:27).
Hinggil sa pagiging sakdal o perpekto, itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland:
“Ang tanging pag-asa natin upang tunay na maging sakdal ay tanggapin ito bilang kaloob ng langit—hindi natin ito ‘matatamo sa sariling sikap.’ Kaya nga, ang biyaya ni Cristo ay hindi lamang nag-aalok sa atin ng kaligtasan mula sa kalungkutan at kasalanan at kamatayan kundi maging ng kaligtasan mula sa ating patuloy na panlalait sa sarili. …
“Mga kapatid, bawat isa sa atin ay naghahangad ng buhay na mas katulad ng kay Cristo kaysa sa pamumuhay natin ngayon. Kung tapat nating aaminin iyan, at nagsisikap na mas bumuti pa, hindi tayo mga mapagkunwari; tayo ay tao. … Kung magsusumigasig tayo, sa isang dako ng kawalang-hanggan ang ating kadalisayan ay magiging ganap at lubos—na siyang kahulugan ng pagiging sakdal sa Bagong Tipan” (“Kayo Nga’y Mangagpakasakdal—Sa Wakas,” Liahona, Nob. 2017, 41–42).
Basahin:
Narito ang apat na alituntunin para lalo pang maging mahabagin sa sarili at mabawasan ang pagiging perpeksyonista:
-
Alamin ang pagiging perpeksyonista natin sa ating isipan, damdamin, at kilos.
-
Baguhin ang mga pag-iisip, damdamin, at kilos na iyon.
-
Tanggapin ang ating mga pagkakamali bilang bahagi ng buhay, at huwag matakot na magkamali.
-
Mahabag sa sarili; tanggapin at mahalin ang iyong sarili, pati na ang iyong mga kakulangan.
Panoorin:
“Perfectionism: Will I Ever Be Good Enough?” mapapanood sa https://churchofjesuschrist.org/study/video/self-reliance-videos [3:54].
Perfectionism: Will I Ever Be Good Enough?
Do you sometimes feel like you’re not good enough for God or anyone else? Chances are you’ve had a bout with perfectionism. Whether you know it or not, God’s Grace reaches everyone—including perfectionists.
Talakayin:
Sa video, paano naging mas mahabagin si Olivia at binago ang kanyang pagiging perpeksyonista?
Talakayin:
Ano ang maaari nating gawin para mapaganda ang ating karanasan bilang grupo?