Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Matuto


“2: Matuto,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“2: Matuto,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Matuto—Maximum na Oras: 60 Minuto

1. Ang Ating Pag-iisip ay Nakakaimpluwensya sa Ating Damdamin

Basahin:

Mahalaga ang inyong mga iniisip. Ang pagkukuwento tungkol sa inyong sarili at kung ano ang iniisip ninyo tungkol sa mga bagay-bagay ay nakakaapekto sa nadarama ninyo at kung gaano kayo katatag. Malaki rin ang papel na ginagampanan ng inyong pag-iisip sa pakikipag-ugnayan ninyo sa iba at sa pagtingin ninyo sa inyong paligid. Itinuturo sa mga banal na kasulatan “Sapagka’t kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya” (Mga Kawikaan 23:7).

Nababatid kung gaano kalakas ang impluwensya ng isipan sa inyong damdamin, kapwa hangad ng Tagapagligtas at ng kaaway na impluwensyahan ang inyong pag-iisip. Iniuutos sa atin ng Tagapagligtas na “isaalang-alang [Siya] sa bawat pag-iisip” nang may pananampalataya, nang walang pag-aalinlangan o takot” (Doktrina at mga Tipan 6:36).

Panoorin:

Am I Good Enough?” mapapanood sa https://churchofjesuschrist.org/study/video/self-reliance-videos [3:28].

3:31

Talakayin:

Paano ipinapaalala sa inyo ng “[pagsa]saalang-alang [sa Tagapagligtas] sa bawat pag-iisip” na sapat na ang inyong kabutihan?

2. Pagtukoy sa mga Maling Paraan ng Pag-iisip

Basahin:

Maaaring madalas nating matagpuan ang ating sarili na itinutuon ang ating isipan sa mali o negatibo. Ang mga maling paraan ng pag-iisip ay maaaring humantong sa pag-iisip ng pinakamalalang resulta na posibleng mangyari sa isang sitwasyon. Magdudulot ang mga baluktot na pag-iisip na ito ng masamang pakiramdam tungkol sa ating sarili at sa iba. Nakakaranas tayong lahat ng mga negatibong pag-iisip, ngunit kung minsan ay nananatili ito sa atin at hindi natin nakikita ang maling paraan ng pag-iisip at kung paano ito nakapipinsala sa kalusugan ng ating damdamin. Basahin ang listahan ng “Mga Karaniwang Maling Paraan ng Pag-iisip,” at talakayin ang tanong na kasunod ng listahan. Maaari ninyong tukuyin ang isa o dalawa sa mga paraan na ito ng pag-iisip na madalas ninyong gamitin.

Mga Karaniwang Maling Paraan ng Pag-iisip

Mga Paraan ng Pag-iisip

Paliwanag

Halimbawa

Mga Paraan ng Pag-iisip

All or Nothing

Paliwanag

Nakikita ang isang bagay o tao na mabuti o masama lang. Maghanap ng mga parirala na may mga salitang tulad ng palagi at hindi kailanman.

Halimbawa

Palagi kong nasasabi ang maling bagay.”

Mga Paraan ng Pag-iisip

Hindi Angkop na Paglalarawan sa Sarili

Paliwanag

Iniisip ang isang bagay na nangyari at gumagawa ng isang matindi o maling pahayag.

Halimbawa

“Tapos na ang relasyon namin, ako ang nagkulang.

Mga Paraan ng Pag-iisip

Nagbibigay Agad ng Konklusyon

Paliwanag

Binibigyang-kahulugan ang mga iniisip ng iba o iniisip ang pinakamalalang resulta na posibleng mangyari.

Halimbawa

“Tiyak na pinagtatawanan ako ng lahat.”

Mga Paraan ng Pag-iisip

Ginagawang Personal

Paliwanag

Sinisisi ang sarili o ang ibang tao para sa isang sitwasyon na sa katunayan ay kinasasangkutan ng maraming bagay.

Halimbawa

“Hindi na sila tumawag sa akin, siguro galit sila sa akin.

Mga Paraan ng Pag-iisip

Madamdaming Pangangatwiran

Paliwanag

Hinuhusgahan ang isang sitwasyon batay sa nadarama mo.

Halimbawa

“Nakokonsensiya ako. Siguro may nagawa akong masama.”

Mga Paraan ng Pag-iisip

Paglalahat [Overgeneralization]

Paliwanag

Ginagamit ang isang karanasan at idinadamay ang kalahatan.

Halimbawa

“Mababa ang grade ko sa assignment na ito, kaya bakit pa ako papasok sa klase?”

Mga Paraan ng Pag-iisip

Negatibong Mental Filter

Paliwanag

Pagtutuon sa negatibong detalye at pag-iisip ng tungkol dito.

Halimbawa

“Parang walang magandang nangyari ngayon. Puro kabiguan lang.”

Mga Paraan ng Pag-iisip

Binabale-wala ang Positibo

Paliwanag

Tinatanggihan ang lahat ng positibong karanasan dahil hindi mo dama na mahalaga ang mga ito.

Halimbawa

“Hindi mahalaga kung nag-almusal ang anak ko. Nag-alboroto siya sa buong maghapon!”

Mga Paraan ng Pag-iisip

Pagpapatindi

Paliwanag

Eksaherado sa iyong mga kahinaan o ikinukumpara ang mga ito sa mga kalakasan ng iba.

Halimbawa

“Bihira akong magluto para sa aking pamilya, at nang gawin ko ito, hindi ito kasing sarap ng mga luto niya.”

Mga Paraan ng Pag-iisip

Mga Pahayag na “Dapat”

Paliwanag

Sinasabi sa iyong sarili kung ano ang dapat o hindi dapat nangyari.

Halimbawa

Hindi ako dapat nagkamali nang ganoon.”

Talakayin:

Bakit ganito kung minsan ang mga naiisip natin?

3. Pagtugon sa mga Trigger

Basahin:

Ang trigger ay isang bagay na nagdudulot ng biglaang reaksiyon sa ating isipan, damdamin, at pag-uugali. Maaaring kabilang sa mga trigger ang mga bagay na nakikita, naiisip, nadarama, at nararanasan ninyo. Ang mga ito ay maaaring maimpluwensyahan ng inyong mood, oras sa maghapon, lebel ng enerhiya, ugnayan, lugar, pangyayari, o iba pang mga sitwasyon. Kapag ang biglaang reaksiyon mo sa isang trigger ay hindi angkop, maaari mong matutuhan ang mas mabubuting paraan ng pagtugon.

Talakayin:

Paano makatutulong sa atin na alam natin ang mga trigger natin para mas mabuti ang maitugon natin?

4. Magkaroon ng Mas Tamang mga Paraan ng Pag-iisip

Basahin:

Matapos ninyong matukoy ang inyong mga maling paraan ng pag-iisip, ang susunod na hakbang ay sikapin at baguhin na maging mas tama, at tapat ang mga ito. Maaanyayahan mo ang impluwensya ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagsuri sa inyong pag-iisip at pagtatanong kung totoo ang mga ito (tingnan sa Juan 8:32). Narito ang ilang tanong na magagamit ninyo para masuri ang inyong mga maling pag-iisip:

  • Isinasaisip ang lahat ng katibayan, 100 porsiyento bang tama ang iniisip ko?

  • Mayroon bang isang bagay na nais ng Tagapagligtas na isipin o madama ko?

  • Ang pag-iisip bang ito ay lahat mabuti o lahat masama, mananalo ba o matatalo, totoo ba o hindi?

  • Ang ganito bang pag-iisip ay nakatutulong o nakapipinsala sa akin?

  • Ano ang nadarama ko kapag ganito ang pag-iisip ko?

  • Ano ang alam ko tungkol sa sarili ko at sa iba na nagsasabi sa akin na hindi ito totoo?

  • Ano ang sasabihin ko sa matalik kong kaibigan o sa isang tao kung iniisip nila ang mga bagay na ito?

Talakayin:

Bakit mahalagang suriin ang mga maling pag-iisip at magkaroon ng mas tamang mga pag-iisip?

Talakayin:

Ano ang maaari nating gawin para mapaalalahanan ang ating sarili na suriin at palitan ang ating mga maling paraan ng pag-iisip ng mas tamang mga paraan ng pag-iisip?

5. Ang Pagbabago ng Ating Pag-iisip ay Nangangailangan ng Pagsasanay

Basahin:

Ang huling hakbang para mabago ang ating mga pag-iisip ay magsanay na makagawian ito. Nangangailangan ito ng mahabang panahon at tiyaga.

Bagama’t ang mga maling pag-iisip ay gumagapos sa atin at naglilimita sa ating kaligayahan at kakayahang umunlad, ang pagsuri sa mga maling pag-iisip na iyon at palitan ito nang mas tamang mga pag-iisip ay “magpapalaya [sa atin]” (Juan 8:32). Ang pagkakaroon ng mas tamang mga pag-iisip ay makadaragdag sa kumpiyansa natin habang tinitingnan natin ang ating sarili at ang iba sa mas mabuting paraan.

Sa linggong ito maaari kayong magsanay na magkaroon ng mabubuting paraan ng pag-iisip sa pamamagitan ng pagkumpleto ng “Chart ng Thinking Management” sa katapusan ng kabanatang ito. Maaari ninyong ibahagi ang inyong nakumpleto chart sa isang kapamilya o sa action partner ninyo.