“9: Magreport,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)
“9: Magreport,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin
Magreport—Maximum na Oras: 15 Minuto
Step 1: Magkaroon ng Evaluation Kasama ang Inyong Action Partner (5 minuto)
Mag-ukol ng ilang minuto na isipin kung gaano ninyo pinagsikapang gawin ang mga ipinangako ninyo noong nakaraang linggo. Bilugan ang kulay na kumakatawan sa nadama ninyong nagawa ninyo sa bawat pangako. Halimbawa, ang ibig sabihin ng pulang bilog ay ginawa ninyo ito nang hindi gaanong pinagsikapan, ang dilaw na bilog ay para sa medyo pinagsikapan, at ang berdeng bilog ay para sa lubos na pinagsikapan. Ibahagi ang inyong evaluation sa inyong action partner.
Step 2: Ibahagi ang Inyong mga Karanasan sa Grupo (5 minuto)
Bilang grupo, ibahagi ang mga bagay na natutuhan ninyo noong nakaraang linggo habang ginagawa ninyo ang inyong mga pangako. Ang mga tanong sa ibaba ay maaaring makatulong sa talakayan.
Step 3: Pumili ng mga Action Partner (5 minuto)
Pumili ng isang action partner mula sa grupo para sa darating na linggo. Karaniwan, ang mga action partner ay parehong lalaki o parehong babae at hindi magkapamilya.
Mag-ukol ng ilang minuto na kausapin ang inyong action partner. Ipakilala ang inyong sarili, at talakayin kung paano ninyo makokontak ang isa’t isa sa buong linggo.
Pangalan ng action partner
Contact information
Isulat kung paano at kailan ninyo kokontakin ang isa’t isa sa linggong ito.
Ling |
Lun |
Mar |
Miy |
Huw |
Biyer |
Sab |
---|---|---|---|---|---|---|
Ling | Lun | Mar | Miy | Huw | Biyer | Sab |