“5: Isipin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)
“5: Isipin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin
Isipin—Maximum na Oras: 5 Minuto
Isipin nang mag-isa ang natutuhan mo ngayon, at ang maaaring ipagawa sa iyo ng Diyos. Basahin ang sipi at isulat ang iyong mga sagot sa mga tanong sa ibaba.
“Bagama’t maaari nating madama na tayo ay ‘parang basag na sisidlan,’ … dapat nating tandaan, ang sisidlang iyan ay nasa mga kamay ng banal na magpapalayok. Ang mga isipang nagkalamat ay mapapagaling na katulad ng mga baling buto at durog na puso. Bagama’t pinagagaling ng Diyos ang mga iyon, makatutulong ang iba sa atin sa pagiging maawain, hindi mapanghusga, at mabait” (Jeffrey R. Holland, “Parang Basag na Sisidlan,” Liahona, Nob. 2013, 42).
Ano ang mga pinakamakabuluhang bagay na natutuhan ko ngayon?
Ano ang isang bagay na gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon? (Maaaring ito ang iyong personal na pangako para sa linggong ito. Kung wala kang maisip na pangako, may nakalistang ilang posibleng ideya sa ibaba.)