Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Mangakong Gawin


“10: Mangakong Gawin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“10. Mangakong Gawin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Mangakong Gawin—Maximum na Oras: 5 Minuto

Bawat linggo ay gumagawa tayo ng mga pangako na gagawin natin. Ang tugon mo sa bahaging “Isipin” ay maaaring maging personal mong pangako na gagawin sa buong linggo. Bagama’t ito ang huli nating miting, maaari kang patuloy na gumawa ng mga pangako na lalo pang patatagin ang iyong damdamin. Basahin ang mga sumusunod na pangako na gagawin. Magpasiya kung alin sa mga pangako sa ibaba ang gagawin mo. Mangyaring basahin nang malakas ang bawat isa sa mga pangakong gagawin mo. Mangakong gagawin ang mga ipinangako mo at pagkatapos ay lumagda ka sa ibaba.

Ang Aking mga Pangako

Ang Aking mga Pangako

A Ako ay magtatakda ng petsa para makadalo sa templo o, kung wala akong temple recommend, magre-renew ako ng aking recommend o maghahandang tumanggap ng aking mga ordenansa sa templo.

Ang Aking mga Pangako

B Magsusulat ako ng isang bagay na pinasasalamatan ko sa bawat araw at magpapasalamat sa Diyos para dito.

Ang Aking mga Pangako

C Tutuparin ko ang aking personal na pangako mula sa bahaging “Isipin.”

Ang Aking mga Pangako

D Ibabahagi ko sa pamilya o mga kaibigan ang mga natutuhan ko.

Ang aking lagda

Lagda ng action partner