Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Para sa mga Facilitator


“Para sa mga Facilitator,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“Para sa mga Facilitator,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Para sa mga Facilitator

Salamat sa inyong kahandaang maglingkod bilang facilitator. Sa tungkuling ito, magiging bahagi kayo ng isang napakagandang bagay. Ang inyong mga pagsisikap ay tutulong sa isang maliit na grupo ng mga indibiduwal na maging mas matatag sa damdamin habang ipinamumuhay nila ang mga alituntunin ng ebanghelyo at natututo ng mga praktikal na kasanayan. Hindi ninyo kailangang maging eksperto, at hindi kayo ang responsable sa mga paksang pinasimulang talakayin ng iba; sundin lamang ang mga materyal at umasa sa inspirasyon mula sa Espiritu at sa grupo.

Ang pangangasiwa sa grupong ito ay naiiba sa iba pang mga kurso ng self-reliance. Bagama’t maaaring makibahagi sa kursong ito ang maraming tao, ayon sa karanasan ang pinakamainam na laki ng isang grupo para sa kursong ito ay 8 hanggang 10 participant. Ang mga paksa sa manwal na ito ay sensitibo, kaya maaaring maging napaka-emosyonal ng ilang participant. Kung mangyari ito, mangyaring maging maunawain hangga’t maaari. Karamihan sa mga participant ay mabilis ding magbigay ng suporta sa iba.

Kung ang mga materyal na ito ay gagamitin sa mga grupo ng mga kabataan, iminumungkahi na 16 na taong gulang pataas ang mga participant at may dalawang adult ang dadalo roon. Kung may mga alalahanin kayo tungkol sa kaligtasan ng isang kabataan dahil sa isang bagay na ibinahagi niya sa miting, ipaalam ito sa magulang o tagapag-alaga.

Nasa ibaba ang ilang sitwasyon na maaari ninyong makaharap at ang ilang posibleng sagot.

Sitwasyon

Posibleng Sagot

Sitwasyon

Ang pagbabahagi ay lumagpas sa itinakdang oras.

Posibleng Sagot

Pumili ng isang miyembro ng grupo na magiging timekeeper.

“Nauunawaan ko kung gaano ito kahalaga sa iyo, pero kailangan nating magpatuloy sa iba pang bahagi para matapos tayo sa takdang oras.”

Sitwasyon

Napakaraming ibinabahagi o nangingibabaw sa talakayan ng grupo ang isang participant.

Posibleng Sagot

“Salamat sa pagbabahagi. Kailangan nating bigyan ng pagkakataon ang iba para makapagbahagi.”

Sitwasyon

Masyadong detalyado ang participant sa paglalarawan ng sitwasyon o hamon.

Posibleng Sagot

“Tila mahirap na sitwasyon iyan. Gusto kong ipaalala sa iyo, at sa ating lahat, na wala talaga tayong oras o training para matugunan ang isyung iyan.”

Pagtugon sa Mahihirap na Sitwasyon

Kung patuloy na tumitindi ang emosyon sa isang miting, maaaring itigil sandali ang talakayan o magkaroon ng maikling break. Kausapin nang mag-isa ang participant. Itanong sa participant na iyon, “OK ka ba? Tila nababalisa ka. May maitutulong ba ako?” Dapat tingnan muna ng facilitator na OK ang lahat ng participant bago sila umalis sa miting. Kung ang participant ay nananakot na o nakakasakit na ng sinuman, hilingin sa tao na umalis, tumawag ng pulis, at ipaalam kaagad sa mga lider ng priesthood. Maging pamilyar sa Meetinghouse Security Guidelines, na makukuha sa pamamagitan ng inyong bishop.

Basahin:

Ang grupong ito ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon. Hindi ito group therapy o professional treatment para sa mga problema sa kalusugan ng pag-iisip. Kung nag-aalala kayo tungkol sa kaligtasan ng isang tao sa grupo, sikaping tulungan siya upang matiyak ang kaligtasan ng taong iyon. Kung hindi ninyo ito magagawa, maaaring kailanganin ninyong kontakin ang inyong mga lokal na awtoridad para matiyak na ligtas ang miyembro ng inyong grupo.

DAPAT GAWIN

DAPAT GAWIN

BAGO ANG BAWAT MITING

  • I-download ang mga video. (Tingnan sa “Manuals and Videos” sa srs.ChurchofJesusChrist.org.)

  • Tingnan kung gumagana ang mga video equipment.

  • Rebyuhin sandali ang kabanata.

  • Espirituwal na ihanda ang inyong sarili.

SA ORAS NG BAWAT MITING

  • Magsimula at magtapos sa takdang oras.

  • Simulan at tapusin ang miting sa panalangin.

  • Hikayatin ang lahat na magbahagi kung gusto nila.

  • Pumili ng timekeeper.

  • Hikayatin ang lahat na makibahagi.

  • Makibahagi kayo sa grupo. Gawin, tuparin, at ireport ang mga ipinangako ninyo na gagawin.

  • Magsaya at ipagdiwang ang tagumpay.

  • Magtiwala at sundin ang workbook.

PAGKATAPOS NG BAWAT MITING

  • Suriin ang inyong sarili gamit ang “Self-Assessment para sa Facilitator” (pagkatapos ng bahaging ito).

  • Kontakin at hikayatin ang mga miyembro sa buong linggo.

  • I-update ang stake self-reliance specialist sa progreso ng grupo.

HINDI DAPAT GAWIN

HINDI DAPAT GAWIN

BAGO ANG BAWAT MITING

  • Maghanda ng lesson.

SA ORAS NG BAWAT MITING

  • Magturo o magsilbing eksperto.

  • Magsalita nang mas matagal kaysa iba.

  • Sagutin ang bawat tanong.

  • Maging sentro ng atensyon.

  • Maupo sa pinakapuno ng mesa.

  • Tumayo para mag-facilitate.

  • Laktawan ang bahaging “Isipin.”

  • Magbigay ng iyong opinyon pagkatapos ng bawat komento.

  • Baguhin o dagdagan ang mga aktibidad.

Self-Assessment para sa Facilitator

Pagkatapos ng bawat miting ng grupo, rebyuhin ang mga pahayag sa ibaba. Gaano kahusay ang ginagawa mo?

Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator?

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator?

1. Nakikibahagi ang lahat nang pantay-pantay.

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator?

2. Hinahayaan kong sagutin ng mga miyembro ng grupo ang mga tanong sa halip na ako ang sumagot sa mga ito. Mas bihira akong magsalita kaysa ibang mga miyembro ng grupo.

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator?

3. Sinusunod ko ang workbook ayon sa nakasulat dito at tinatapos ko ang lahat ng bahagi at aktibidad.

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator?

4. Kinokontak ko ang mga miyembro ng grupo sa buong linggo.

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator?

5. Ipinapakita ko ang aking kasiyahan at pagmamahal sa bawat miyembro ng grupo.

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator?

6. Hindi ako lumalagpas sa iminumungkahing oras para sa bawat bahagi at aktibidad.

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator?

7. Naglalaan ako ng oras para sa bahaging “Isipin” para magabayan ng Espiritu Santo ang mga miyembro ng grupo.

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator?

8. Tumutulong ako na matiyak na nagagawa ng bawat miyembro ng grupo, na gustong magreport, ang mga ipinangako niyang gagawin.

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

Ano ang Ginagawa ng Grupo Ko?

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

Ano ang Ginagawa ng Grupo Ko?

1. Hinihikayat at ipinapakita ng mga miyembro ng grupo ang suporta nila sa isa’t isa.

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

Ano ang Ginagawa ng Grupo Ko?

2. Tinutupad ng mga miyembro ng grupo ang kanilang mga ipinangako.

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

Ano ang Ginagawa ng Grupo Ko?

3. Kapwa nakakamtan ng mga miyembro ng grupo ang temporal at espirituwal na mga resulta.

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi

Ano ang Ginagawa ng Grupo Ko?

4. Regular na kinokontak at hinihikayat ng mga action partner ang isa’t isa sa buong linggo.

Hindi kailanman

Minsan

Madalas

Palagi