“4: Isipin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)
“4: Isipin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin
Isipin—Maximum na Oras: 5 Minuto
Isipin nang mag-isa ang natutuhan mo ngayon, at ang maaaring ipagawa sa iyo ng Diyos. Basahin ang sipi at isulat ang iyong mga sagot sa mga tanong sa ibaba.
“Hindi ito kasingsama ng iniisip mo kung minsan. Maayos ang lahat. Huwag mag-alala. Sinasabi ko iyan sa sarili ko tuwing umaga. Magiging maayos ang lahat. Kung gagawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo, magiging maayos ang lahat. Magtiwala sa Diyos, at sumulong nang may pananampalataya at tiwala sa hinaharap. Hindi tayo pababayaan ng Panginoon. Hindi Niya tayo pababayaan” (Gordon B. Hinckley, “Excerpts from Addresses of President Gordon B. Hinckley,” Ensign, Okt. 2000, 73).
Ano ang mga pinakamakabuluhang bagay na natutuhan ko ngayon?
Ano ang isang bagay na gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon? (Maaaring ito ang iyong personal na pangako para sa linggong ito. Kung wala kang maisip na pangako, may nakalistang ilang posibleng ideya sa ibaba.)