Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Ang Aking Saligan: Magpakita ng Katapatan


“7: Ang Aking Saligan: Magpakita ng Katapatan,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“7: Ang Aking Saligan: Magpakita ng Katapatan,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Ang Aking Saligan: Magpakita ng Katapatan—Maximum na Oras: 20 Minuto

Isipin:

Bakit mahal ng Panginoon ang mga tao dahil sa “katapatan ng puso” (Doktrina at mga Tipan 124:15)?

Panoorin:

What Shall a Man Give in Exchange for His Soul?” mapapanood sa https://churchofjesuschrist.org/study/video/self-reliance-videos. (Walang video? Basahin ang teksto para sa “What Shall a Man Give in Exchange for His Soul? [Anong Ibibigay ng Tao na Katumbas sa Kaniyang Buhay?]”)

2:12

Anong Ibibigay ng Tao na Katumbas sa Kaniyang Buhay?

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

batang lalaki sa sinehan

Elder Robert C. Gay:

Minsa’y itinanong ito ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo: “Anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?”

Ito ay tanong na itinuro sa akin ng aking ama na pag-isipan kong mabuti maraming taon na ang nakalilipas. Habang lumalaki ako, binigyan ako ng mga magulang ko ng mga gawaing-bahay at binigyan ako ng allowance para sa gawaing iyon. Madalas kong gamitin ang perang iyon, na mahigit 50 cents kada linggo, para manood ng sine. Ang halaga ng tiket sa sinehan noon ay 25 cents para sa isang batang 11-taong-gulang. May natitira pa akong 25 cents para ipambili ng kendi, na tig-5 cents ang isa. May sine na, may kendi pa! Ang sarap ng buhay ko noon.

Maayos ang lahat hanggang sa mag-12 anyos ako. Habang nakapila isang hapon, nalaman ko na ang halaga ng tiket para sa mga 12-anyos ay 35 cents, at ibig sabihin niyan ay mababawasan ng dalawa ang kendi. Dahil hindi ako handang isakripisyo iyon, ikinatwiran ko na, “Tulad pa rin noong isang linggo ang hitsura mo.” Pagkatapos ay lumapit ako at humingi ng tiket na halagang 25 cents. Hindi nagduda ang kahera, at lima pa rin ang nabili kong kendi sa halip na tatlo.

Sa tuwa sa nagawa ko, nagmadali akong umuwi para ikuwento kay Itay ang malaking tagumpay ko. Habang ikinukuwento ko ang mga detalye, wala siyang imik. Pagkatapos ko, tumingin lang siya sa akin at sinabing, “Anak, ipagbibili mo ba ang kaluluwa mo sa halagang singko?” Tumimo ang sinabi niya sa batang puso ko. Hinding-hindi ko nalimutan ang aral na ito.

(“Anong Ibibigay ng Tao na Katumbas sa Kaniyang Buhay?Liahona, Nob. 2012, 34)

Talakayin:

Ano ang ibig sabihin ng pagiging tapat? Ano ang ilang maliliit na paraan na ipinagpapalit ng mga tao ang kanilang kaluluwa para makuha ang gusto nila sa buhay na ito?

Basahin:

“Naniniwala kami sa pagiging matapat” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13).

“Hanggang sa ako’y mamatay, hindi ko aalisin sa akin ang aking katapatan” (Job 27:5).

Basahin:

Ang sumusunod na scripture passage at ang pahayag ni Elder Wirthlin:

“At nais kong inyong pakatandaan, na sinuman sa inyo ang manghiram sa kanyang kapitbahay ay nararapat na isauli ang bagay na kanyang hiniram, alinsunod sa kanyang pinakipagkasunduan, o kung hindi, kayo ay magkakasala; at marahil, inyong papapangyarihin ang inyong kapitbahay na magkasala rin” (Mosias 4:28).

“Ang ibig sabihin ng integridad ay laging gawin ang tama at mabuti, anuman ang ibunga nito. Ibig sabihin nito ay maging matwid sa kaibuturan ng ating kaluluwa, hindi lamang sa ating mga kilos kundi, higit sa lahat, sa ating puso’t isipan. … Ang kaunting pagsisinungaling, kaunting pandaraya, o kaunting pananamantala ay hindi kalugud-lugod sa Panginoon. … Ang pinakadakilang gantimpala ng integridad ay ang palagiang patnubay ng Espiritu Santo. … Kapag ginagawa natin ang tama, siya ay mapapasaatin at gagabayan tayo sa lahat ng ating ginagawa” (Joseph B. Wirthlin, “Personal Integrity,” Ensign, Mayo 1990, 30, 32–33).

Talakayin:

Bakit kailangan ang pagiging matapat para maging mas matatag ang damdamin?

Mangakong gawin:

Magiging mas matapat ako sa isa sa siyam na aspekto na nilagyan ko ng rating sa itaas.