“10: Ang Aking Saligan: Tumanggap ng mga Ordenansa sa Templo,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020) “10: Ang Aking Saligan: Tumanggap ng mga Ordenansa sa Templo,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin Ang Aking Saligan: Tumanggap ng mga Ordenansa sa Templo—Maximum na Oras: 20 Minuto Isipin: Ano ang ilan sa mga bagay na pinakamahalaga sa inyo? Panoorin: “Doing What Matters Most,” makukuha sa https://churchofjesuschrist.org/study/video/self-reliance-videos. (Walang video? Basahin ang teksto para sa “Doing What Matters Most [Ginagawa ang Pinakamahalaga].”) 1:49 Ginagawa ang Pinakamahalaga Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito. Tagapagsalaysay: Isang madilim na gabi ng Disyembre, isang eroplano ang bumagsak sa Florida. Mahigit 100 katao ang namatay. Mga 20 milya lamang ang layo nito para makalapag nang ligtas. Pangulong Dieter F. Uchtdorf: Pagkatapos ng aksidente, sinikap ng mga imbestigador na alamin ang dahilan. Ang landing gear ay nakababa nang wasto. Nasa kundisyon ang makina ng eroplano. Lahat ay umaandar nang maayos—lahat maliban sa isang bagay: isang pundidong bombilya. Ang munting bombilyang iyon—na mga 20 cents ang halaga—ang pinagmulan ng magkakarugtong na pangyayari na nauwi sa malagim na kamatayan ng mahigit 100 katao. Siyempre, hindi ang pundidong bombilya ang sanhi ng aksidente; nangyari ito dahil ang mga crew ay nagtuon ng pansin sa isang bagay na tila mahalaga nang sandaling iyon at nalimutan ang bagay na pinakamahalaga. Ang ugaling magtuon ng pansin sa hindi mahalaga at pabayaan ang pinakamahahalagang bagay ay nangyayari hindi lamang sa mga piloto kundi sa lahat. Lahat tayo ay nasa panganib. … Nakatuon ba ang isip at puso ninyo sa mga bagay na panandalian at mahalaga lamang sa sandaling iyon, o sa mga bagay na pinakamahalaga? (Tingnan sa “Kami’y Gumagawa ng Dakilang Gawain, na Anopa’t Hindi Kami Makababa,” Liahona, Mayo 2009, 59, 60.) Talakayin: Anong mga bagay na hindi mahalaga ang nakasasagabal sa ating pag-unlad? Paano tayo matutulungan ng mga ordenansa ng ebanghelyo? Basahin: Ang sumusunod na scripture passage at mga pahayag ng mga lider ng Simbahan: “Sa mga ordenansa nito, ang kapangyarihan ng kabanalan ay makikita” (Doktrina at mga Tipan 84:20). “Makabubuting pag-aralan natin ang ika-109 na bahagi ng Doktrina at mga Tipan at sundin ang payo ni Pangulong [Howard W.] Hunter na ‘itatag ang templo ng Panginoon bilang dakilang simbolo ng [ating] pagiging miyembro’” (Quentin L. Cook, “Tingnan ang Inyong Sarili sa Templo,” Liahona, Mayo 2016, 99). “Ang [resultang] pinagsisikapang matamo ng bawat isa sa atin ay ang mapagkalooban ng kapangyarihan sa isang bahay ng Panginoon, mabuklod bilang mga pamilya, [maging] tapat sa mga tipang ginawa sa templo upang maging karapat-dapat sa pinakadakilang kaloob ng Diyos—ang buhay na walang-hanggan. Ang mga ordenansa ng templo at mga tipang ginawa ninyo ang susi sa pagpapalakas ng inyong buhay, pagsasama ninyong mag-asawa at pamilya, at ng kakayahan ninyong labanan ang mga pagsalakay ng kaaway. Ang inyong pagsamba sa templo at paglilingkod doon para sa inyong mga ninuno ay [magpapala sa inyo] ng dagdag na personal na paghahayag at kapayapaan at patitibayin ang inyong pangako na manatili sa landas ng tipan” (Russell M. Nelson, “Habang Tayo ay Sama-samang Sumusulong,” Liahona, Abr. 2018, 7). Talakayin: Paano madaragdagan ng pagsamba sa templo at gawain sa family history ang katatagan ng ating damdamin? Mangakong Gawin: Magtatakda ako ng petsa para makapunta sa templo kung mayroon akong temple recommend. Kung wala akong temple recommend, kakausapin ko ang aking bishop o branch president para ma-renew ko ang aking recommend o malaman kung paano ako maghahandang tumanggap ng aking mga ordenansa sa templo.