“9: Ang Aking Saligan: Maging Isa, Maglingkod Nang Magkakasama,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020) “9: Ang Aking Saligan: Maging Isa, Maglingkod Nang Magkakasama,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin Ang Aking Saligan: Maging Isa, Maglingkod Nang Magkakasama—Maximum na Oras: 20 Minuto Isipin: Paano ba ako talagang naililigtas ng paglilingkod sa iba? Panoorin: “In the Lord’s Way,” mapapanood sa https://churchofjesuschrist.org/study/video/self-reliance-videos. (Walang video? Basahin ang teksto para sa “In the Lord’s Way [Sa Paraan ng Panginoon].”) 2:2 Sa Paraan ng Panginoon Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito. Pangulong Henry B. Eyring: Ang mga alituntunin sa pagtatatag ng programang pangkapakanan ng Simbahan ay hindi pangminsanan o sa isang lugar lamang. Ang mga ito ay para sa lahat ng panahon at lugar. … … Ang pamamaraan para magawa ito ay malinaw. Yaong mas nakakaangat sa buhay ay dapat magpakumbaba ng kanilang sarili para tulungan ang mga nangangailangan. Yaong sagana ang buhay ay dapat kusang magbigay ng tulong, oras, mga skill, at resources upang maibsan ang paghihirap ng mga nangangailangan. At ang tulong ay dapat ibigay sa paraang mapapalakas ang kakayahan ng tinutulungan para mapangalagaan ang kanilang mga sarili at pagkatapos ay mapangalagaan ang iba. Kapag ginawa ito ayon sa paraan ng Panginoon, maaaring mangyari ang isang napakagandang bagay. Pinagpapala kapwa ang tumutulong at ang tinutulungan. (Hango sa mensaheng ibinigay ni Pangulong Eyring sa paglalaan ng Sugarhouse Utah Welfare Services Center, Hunyo 2011, ChurchofJesusChrist.org) Pangulong Dieter F. Uchtdorf: Mga kapatid, lahat tayo ay may responsibilidad sa tipan na maging sensitibo sa mga pangangailangan ng iba at maglingkod tulad ng ginawa ng Tagapagligtas—tumulong, magbasbas, at magpasigla sa mga nasa paligid natin. Kadalasan, ang sagot sa ating dalangin ay hindi dumarating habang nagdarasal tayo kundi habang naglilingkod tayo sa Panginoon at sa mga nasa paligid natin. Ang di-makasariling paglilingkod at lubos na paglalaan ay nagpapadalisay sa ating espiritu, nag-aalis ng tabing sa ating espirituwal na mga mata, at nagbubukas ng mga dungawan ng langit. Sa pagiging sagot sa dalangin ng iba, kadalasan ay nasasagot ang sarili nating dalangin. (“Paghihintay sa Daan patungong Damasco,” Liahona, Mayo 2011, 76) Talakayin: Paano nabubuksan ng paglinglikod sa iba ang mga dungawan ng langit sa inyong buhay? Basahin: Nadarama ng ilan na dapat ay mayroon din sila ng kung anumang mayroon ang iba, na maaaring maging sanhi ng pagkapoot. Nadarama naman ng iba na may karapatan sila sa mga bagay na hindi nila pinaghirapan. Ang dalawang patibong na ito ay bumubulag sa mga tao kaya hindi nila makita ang isang mahalagang katotohanan: lahat ng bagay ay pag-aari ng Diyos. Ang hinanakit at pag-angkin ng karapatan ay madaraig sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa mga pangangailangan ng iba. Basahin: Ang mga sumusunod na kaugnay na scripture passage at pahayag ni Pangulong Hinckley: “Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos” (Mosias 2:17). “At ngayon, alang-alang sa … pananatili ng kapatawaran ng inyong mga kasalanan sa araw-araw, … nais kong ibahagi ninyo ang inyong kabuhayan sa mga maralita, bawat tao alinsunod sa kung ano ang mayroon siya, gaya ng pagpapakain sa nagugutom, pagpapanamit sa hubad, pagdalaw sa may karamdaman, at pangangasiwa sa kanilang ikagiginhawa, kapwa espirituwal at temporal, alinsunod sa kanilang mga pangangailangan” (Mosias 4:26). “Kapag kayo ay nagkakaisa, ang inyong kapangyarihan ay walang hangganan. Magagawa ninyo ang anumang nais ninyong maisakatuparan” (Gordon B. Hinckley, “Your Greatest Challenge, Mother,” Ensign, Nob. 2000, 97). Basahin: Ang mga sumusunod na pahayag ng mga lider ng Simbahan: “Ang layunin ng [pagiging self-reliant sa] temporal at espirituwal ay ilagay ang ating sarili sa mas mataas na lugar nang maiahon natin sa hirap ang ibang nangangailangan” (Robert D. Hales, “Pagkilala sa Ating Sarili: Ang Sakramento, ang Templo, at Sakripisyo sa Paglilingkod,” Liahona, Mayo 2012, 36). “Kapag nagtutulungan tayo, … magagawa natin ang anumang bagay. Kapag ginagawa natin ito, inaalis natin ang kahinaan ng isang taong naglilingkod nang mag-isa at inihahalili ang lakas ng maraming naglilingkod nang magkakasama” (Thomas S. Monson, “Church Leaders Speak Out on Gospel Values,” Ensign, Mayo 1999, 118). Mangakong Gawin: Isasakatuparan ko ang plano ko na paglingkuran ang isang tao. Gumawa ng Tala