“6: Ang Aking Saligan: Lutasin ang mga Problema,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020) “6: Ang Aking Saligan: Lutasin ang mga Problema,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin Ang Aking Saligan: Lutasin ang mga Problema—Maximum na Oras: 20 Minuto Magreport: Ibahagi sandali sa grupo ang isang mahirap na gawaing natapos ninyo noong nakaraang linggo. Isipin: Bakit tinutulutan ng Ama sa Langit na maharap tayo sa mga problema at pagsubok? Panoorin: “A Bigger Truck?” mapapanood sa https://churchofjesuschrist.org/study/video/self-reliance-videos. (Walang video? Basahin ang teksto para sa “A Bigger Truck [Mas Malaking Trak]?”) 1:5 Mas Malaking Trak? Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito. Pangulong Dallin H. Oaks: Dalawang lalaki ang nagsosyo. Nagtayo sila ng isang maliit na kubol sa tabi ng isang kalsadang maraming dumadaan. Bumili sila ng trak at nagpunta sa bukid ng isang magsasaka, at doo’y bumili sila ng isang trak ng melon na tig-iisang dolyar ang halaga. Dinala nila ang trak na puno ng melon sa kanilang silungan sa tabi ng daan, at doo’y ipinagbili ang kanilang mga melon ng isang dolyar bawat isa. Nagbalik sila sa bukid ng magsasaka at bumili ng isa pang trak na puno ng melon na tig-iisang dolyar ang halaga. Dinala ang mga ito sa tabi ng daan, muling ipinagbili ang mga ito sa halagang isang dolyar bawat isa. Habang papunta sila muli sa bukid ng magsasaka upang muling magkarga, sinabi ng isang kasosyo sa isa, “Hindi yata tayo gaanong kumikita sa negosyong ito?” “Oo nga,” sagot ng kanyang kasosyo. “Palagay mo ba’y kailangan natin ng mas malaking trak?” (“Focus and Priorities,” Ensign, Mayo 2001, 82) Talakayin: Ano ang tunay na problema sa kuwentong ito? Ano ang ilang opsiyon ng dalawang lalaki? Basahin: Ang sumusunod na scripture passage at pahayag ni Elder Hales: “Masdan, hindi mo naunawaan; inakala mo na aking ibibigay ito sa iyo, gayong wala kang inisip maliban sa ito ay itanong sa akin. “Subalit, masdan, sinasabi ko sa iyo, na kailangan mong pag-aralan ito sa iyong isipan; pagkatapos kailangang itanong mo sa akin kung ito ay tama, at kung ito ay tama aking papapangyarihin na ang iyong dibdib ay mag-alab; samakatwid, madarama mo na ito ay tama. “Subalit kung ito ay hindi tama wala kang madaramang gayon, kundi ikaw ay magkakaroon ng pagkatuliro ng pag-iisip na magiging dahilan upang makalimutan mo ang bagay na mali” (Doktrina at mga Tipan 9:7–9). “Inaasahan ng Panginon na lulutasin natin ang sarili nating mga problema. … Tayo ay nag-iisip, at matatalinong nilalang. May kakayahan tayong matukoy ang ating sariling mga pangangailangan, magplano, magtakda ng mga mithiin, at lumutas ng ating mga problema” (Robert D. Hales, “Every Good Gift,” New Era, Ago. 1983, 8, 9). Basahin: Ang mga sumusunod na scripture passage: “At ngayon, kung ang Panginoon ay may gayon kadakilang kapangyarihan, at makagagawa ng maraming himala sa mga anak ng tao, paanong hindi niya ako maaaring atasan, na ako ay gumawa ng sasakyang-dagat?” (1 Nephi 17:51). “Ngayon ako, si Nephi, ay hindi ginawa ang mga kahoy alinsunod sa pamamaraang natutuhan ng tao, ni aking binuo ang sasakyang-dagat alinsunod sa pamamaraan ng tao; kundi binuo ko ito alinsunod sa pamamaraang ipinakita ng Panginoon sa akin; kaya nga, hindi ito alinsunod sa pamamaraan ng tao. “At ako, si Nephi, ay madalas na umakyat sa bundok, at madalas akong nanalangin sa Panginoon; anupa’t nagpakita sa akin ang Panginoon ng mga dakilang bagay” (1 Nephi 18:2–3). Talakayin: Paano nakagawa ng sasakyang-dagat si Nephi? Mangakong Gawin: Gagawin ko ang mga hakbang na tinalakay natin sa aktibidad para malutas ko ang problema ko. (Tandaan, huwag sumuko. Mahabang panahon din ang kailangan para malutas ang mga problema at gumawa ng mga pagbabago.) Gumawa ng Tala