Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Pagsisimula


“1: Pagsisimula,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“1: Pagsisimula,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Pagsisimula—Maximum na Oras: 20 Minuto

Magkaroon ng pambungad na panalangin.

Ipakilala ang inyong sarili. Ang bawat isa sa inyo ay magpapakilala at magsasabi ng isang bagay tungkol sa inyong sarili.

Welcome sa Ating Self-Reliance Group!

Basahin:

Dahil mahal kayo ng inyong Ama sa Langit, isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Jesucristo upang palakasin kayo sa anumang sitwasyong kinakaharap ninyo sa buhay.

Tutulungan kayo ng grupong ito na matutuhan ang mga espirituwal at praktikal na kasanayan na makatutulong sa bawat isa sa atin na mas mapangalagaan ang ating katawan, isipan, damdamin, at mga ugnayan. Sa pagdalo ninyo sa kursong ito, humingi ng tulong sa Ama sa Langit at kay Jesucristo upang malaman kung paano ninyo magagamit sa inyong buhay at sa buhay ng inyong pamilya ang mga natutuhan ninyo. Ang mga miting na ito ay magiging ligtas na lugar para sa pagbabahagi nang hindi hinuhusgahan habang sinusunod ng grupong ito ang alituntunin ng kumpidensiyalidad at gumagamit ng mga salita at nagpapakita ng mga pag-uugali na nag-aanyaya sa Espiritu. Inaanyayahan kayong magbahagi ng mga personal na karanasan; sa halip na magtuon sa mga problema, magbahagi ng mga solusyong nahanap ninyo o gusto ninyong subukan.

Basahin:

Ang grupong ito ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon. Hindi ito group therapy o professional treatment para sa mga problema sa kalusugan ng pag-iisip. Kung nakatitiyak ka na pabalik-balik ang nararanasan mong depresyon, stress at pagkabalisa, galit, adiksiyon, o iba pang problema sa kalusugan ng pag-iisip, dapat kang humingi ng propesyonal na tulong.

Paano Nagtutulungan ang Grupo?

Basahin:

Ang mga self-reliance group ay parang isang council. Walang titser o eksperto. Sa halip, susundin ninyo ang nakasulat sa mga materyal. Ang bawat miting ng grupo ay tumatagal nang 90 hanggang 120 minuto. Ang kakayahan ninyong makipag-ugnayan sa isa’t isa ay tutulong sa inyo na madama ang Espiritu at maging mas matatag ang damdamin. Sa patnubay ng Espiritu, tutulungan ninyo ang isa’t isa na:

  • Pantay-pantay na makapag-ambag sa mga talakayan at aktibidad. Walang sinuman, lalo na ang facilitator, ang dapat mangibabaw sa talakayan.

  • Magbahagi nang hindi lalagpas sa itinakdang oras.

  • Mahalin at suportahan ang isa’t isa. Magpakita ng interes, magtanong, at maging sensitibo sa damdamin ng iba.

  • Magbahagi ng mga positibo at nauugnay na komento; iwasang magbahagi nang masyadong detalyado.

  • Gumawa at tumupad ng mga pangako.

Panoorin:

My Self-Reliance Group,” makukuha sa https://churchofjesuschrist.org/study/video/self-reliance-videos [4:01]. (Walang video? Basahin ang sumusunod na bahagi, “Kung Walang Titser, Paano Namin Malalaman Kung Ano ang Gagawin?”)

4:12

Talakayin:

Paano nagtagumpay ang grupo sa video? Ano ang gagawin natin bilang grupo para madagdagan ang posibilidad na magkaroon ng karanasan na nagpapabago ng buhay?

Kung Walang Titser, Paano Namin Malalaman Kung Ano ang Gagawin?

Basahin:

Napakadali. Sundin lang ang mga materyal. Bawat kabanata sa workbook ay may limang bahagi:

Magreport: Talakayin ang naging progreso ninyo sa mga ipinangako ninyo na gagawin sa buong linggo.

Ang Aking Saligan: Rebyuhin ang isang alituntunin ng ebanghelyo na hahantong sa pagiging mas self-reliant sa espirituwal.

Matuto: Matuto ng mga praktikal na kasanayan na hahantong sa pagiging mas self-reliant sa temporal.

Isipin: Pakinggan ang inspirasyon mula sa Espiritu Santo kung ano ang gagawin ayon sa natutuhan ninyo.

Mangakong Gawin: Gagawin ang mga ipinangako sa buong linggo na tutulong sa inyo na umunlad. Ibabahagi rin ninyo sa pamilya o mga kaibigan ang mga natutuhan ninyo sa bawat miting ng grupo.

Paano Gamitin ang Workbook na Ito

Kapag Nakita Ninyo ang mga Salitang Ito, Sundin ang mga Tagubiling ito

Basahin

Panoorin

Talakayin

Isipin

Aktibidad

Basahin

Magbabasa nang malakas ang isang tao para sa buong grupo.

Panoorin

Panonoorin ng buong grupo ang video.

Talakayin

Ang mga miyembro ng grupo ay magbabahagi ng mga ideya sa loob ng dalawa hanggang apat na minuto.

Isipin

Ang mga indibiduwal ay tahimik na mag-iisip, magmumuni-muni, at magsusulat sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto.

Aktibidad

Gagawa ang mga miyembro ng grupo nang mag-isa o kasama ang iba sa loob ng itinakdang oras.

Basahin:

Bagama’t ang manwal na ito ay kadalasang ginagamit sa mga self-reliance group na inorganisa ng stake o ward, magagamit din ito anumang oras sa pamilya, mga kaibigan, o kapitbahay na gustong rebyuhin ito nang magkakasama.

Basahin:

Tandaan na ang mga ibinahagi sa mga miting ng grupo ay kumpidensiyal. Ang mga opinyon na ipinahayag sa ating grupo ay pananaw ng mga indibiduwal at hindi kumakatawan sa mga pananaw o doktrina ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.