Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Mangakong Gawin


“4: Mangakong Gawin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“4. Mangakong Gawin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Mangakong Gawin—Maximum na Oras: 5 Minuto

Bawat linggo ay gumagawa tayo ng mga pangako na gagawin natin. Ang tugon mo sa bahaging “Isipin” ay maaaring maging personal mong pangako na gagawin sa buong linggo. Kapag nagmiting tayo sa susunod na linggo, magsisimula tayo sa pagrereport tungkol sa mga ipinangako natin. Basahin ang mga sumusunod na pangako na gagawin. Bukod sa pagkontak at pagsuporta sa iyong (mga) action partner, magpasiya kung alin sa mga pangako sa ibaba ang gagawin mo. Mangyaring basahin nang malakas sa action partner mo ang bawat isa sa mga pangakong gagawin mo. Mangakong gagawin ang mga ipinangako mo at pagkatapos ay lumagda ka sa ibaba.

Ang Aking mga Pangako

Ang Aking mga Pangako

A Pipili ako ng isang bagay na gagawin para mapagbuti ang paggamit ko ng aking oras at magrereport ako tuwing gabi sa Ama sa Langit sa aking mga panalangin.

Ang Aking mga Pangako

B Magsusulat ako ng isang bagay na pinasasalamatan ko sa bawat araw at magpapasalamat sa Diyos para dito.

Ang Aking mga Pangako

C Tutuparin ko ang aking personal na pangako mula sa bahaging “Isipin.”

Ang Aking mga Pangako

D Kokontakin at susuportahan ko ang aking action partner.

Ang Aking mga Pangako

E Ibabahagi ko sa aking pamilya o mga kaibigan ang mga natutuhan ko.

Ang aking lagda

Lagda ng action partner