Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Magpatuloy sa Iyong Landas Patungong Self-Reliance


“10: Magpatuloy sa Iyong Landas Patungong Self-Reliance,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2021)

“10: Magpatuloy sa Iyong Landas Patungong Self-Reliance,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Magpatuloy sa Iyong Landas Patungong Self-Reliance

Basahin:

Binabati kita! Sa nakaraang 10 linggo nagkaroon ka ng mga bagong gawi at lalong naging self-reliant. Nais ng Panginoon na patuloy mong taglayin ang mga kakayahang ito at magtaglay pa ng mga bagong kakayahan. Habang nagdarasal at nakikinig tayo, matutulungan tayo ng Espiritu Santo na malaman kung anong mga bagay sa ating buhay ang dapat nating pag-igihin pa.

Mangakong Gawin:

Mangakong gawin ang mga sumusunod sa susunod na 10 linggo. Lagyan ng tsek ang kahon kapag nakumpleto mo ang bawat gawain:

  • Repasuhin at patuloy na ipamuhay ang lahat ng 10 alituntunin at gawi para maging self-reliance ng Ang Aking Saligan.

  • Ibahagi sa iba ang natutuhan mo tungkol sa self-reliance. Patuloy na tulungan ang mga miyembro ng iyong grupo, o mag-alok na mag-facilitate ng bagong self-reliance group.

  • Pag-ibayuhin ang mga kakayahan mo sa pamamagitan ng pakikibahagi sa isa pang self-reliance group.

  • Pag-aralan ang mga alituntunin ng doktrina ng self-reliance sa ibaba.

Mga Alituntunin ng Doktrina ng Self-Reliance

Ang Self-Reliance ay Isang Kautusan

Layunin ng Panginoon na Maglaan para sa Kanyang mga Banal, at Taglay Niya ang Lahat ng Kapangyarihan na Gawin Ito

Ang Temporal at Espirituwal ay Iisa

Doktrina at mga Tipan 78:13–14; Moises 2:27–28

Doktrina at mga Tipan 104:15; Juan 10:10; Mateo 28:18; Colosas 2:6–10

Doktrina at mga Tipan 29:34; Alma 34:20–25

Basahin:

“At ngayon, mga minamahal kong kapatid, matapos na kayo ay mapasa … landas [na ito], itatanong ko kung ang lahat ay nagawa na? Masdan, sinasabi ko sa inyo, Hindi; sapagkat hindi pa kayo nakalalapit maliban sa ito ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo na may hindi matitinag na pananampalataya sa kanya, na umaasa nang lubos sa mga awa niya na makapangyarihang magligtas. … Kinakailangan kayong magpatuloy sa paglakad nang may katatagan kay Cristo” (2 Nephi 31:19–20).

“Lubos ang pagmamalasakit sa atin ng Panginoon kaya binibigyan Niya tayo ng patnubay sa paglilingkod at ng pagkakataong maging self-reliant. Ang Kanyang mga alituntunin ay palagian at hindi nagbabago kailanman” (Marvin J. Ashton, “Give with Wisdom That They May Receive with Dignity,” Ensign, Nob. 1981, 91).