Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Matuto


“6: Matuto,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“6: Matuto,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Matuto—Maximum na Oras: 60 Minuto

1: Pag-unawa sa Nadaramang Galit

Basahin:

Lahat ay nakadarama ng galit. Napakaraming dahilan para magalit. Hindi natin palaging makokontrol ang galit, at madaling bigyang-katwiran ang ating galit. Maaari pa ngang gumaan ang pakiramdam natin sa sandaling mailabas natin ang galit natin sa agresibong paraan. Ngunit ang pagpapahayag ng galit ay hindi nakatutulong para gumaan ang pakiramdam natin sa mahabang panahon, at maaaring magbunga ito ng magulong pagsasama, karamdaman, kawalan ng pera, at espirituwal o maging pisikal na pinsala sa sarili at sa iba.

Itinuro ng Tagapagligtas sa mga Nephita, “Huwag kayong magkakaroon ng mga pagtatalo sa inyo. … Sapagkat katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, siya na may diwa ng pagtatalo ay hindi sa akin, kundi sa diyablo, na siyang ama ng pagtatalo, at kanyang inuudyukan ang mga puso ng tao na makipagtalo nang may galit sa isa’t isa. Masdan, hindi ito ang aking doktrina, na pukawin sa galit ang mga puso ng tao, isa laban sa isa; kundi ito ang aking doktrina, na ang mga gayong bagay ay maiwaksi” (3 Nephi 11:29–30).

Isipin:

Isipin ang isang pagkakataon na nagalit kayo; pagkatapos ay kumpletuhin ang chart sa ibaba.

Sitwasyon

Paano Ako Tumugon?

Ano ang Naging Resulta?

Sitwasyon

Halimbawa

Bumili ako ng bagong sapatos para sa anak ko. Naiwan niya ito sa labas ng bahay noong nakaraang gabi, at nanakaw ito.

Paano Ako Tumugon?

Nagalit ako sa aking anak at sinigawan siya dahil sa pagiging iresponsable niya at sa pag-iwan sa sapatos sa labas ng bahay.

Ano ang Naging Resulta?

Natakot sa akin ang anak ko at ayaw niya akong kausapin. Gustung-gusto niya ang sapatos na iyon at napakalungkot niya sa nagawa niyang pagkakamali.

Sitwasyon

Paano Ako Tumugon?

Ano ang Naging Resulta?

Talakayin:

Paano nakatutulong sa atin ang pagkontrol sa ating galit para maging mas mabubuting disipulo tayo ni Jesucristo?

2. Unawain kung Paano Lalong Tumitindi ang Galit

Basahin:

Kapag pinananatili natin ang galit sa ating isipan, nagkakaroon ito ng reaksyon sa ating katawan. Ang mga pisikal na reaksyon sa katawan ay nagpapataas sa “lebel ng temperatura ng emosyon” natin. May ilang pag-uugali na nakadaragdag sa galit na nararamdaman natin, kaya ang matutuhan ang mga kasanayan na tutulong sa atin na “kumalma” ay mahalagang bahagi ng pagkontrol sa galit.

mga chart ng pag-init at paglamig ng galit

Talakayin:

Ano ang iba pang mga bagay na nakatulong para “kumalma” kayo?

3. Unawain ang mga Damdamin na Sanhi ng Galit

Basahin:

Upang makontrol ang inyong galit, tukuyin ang iba’t ibang damdamin na sanhi nito. Kadalasan ay mas madaling magalit kaysa harapin ang tunay at kinikimkim na damdamin ninyo. Nasa ibaba ang listahan ng ilang kinikimkim na damdamin at karanasan na maaaring sanhi ng nadarama ninyong galit.

Kinikimkim na mga Damdamin at Karanasan

Kinikimkim na mga Damdamin at Karanasan

Kinikimkim na mga Damdamin at Karanasan

Kinikimkim na mga Damdamin at Karanasan

Kinikimkim na mga Damdamin at Karanasan

  • Masama ang loob

  • Dismayado

  • Nahihiya

  • Nawawalan ng pag-asa

  • Nakokonsensya

  • Nahihirapan

Kinikimkim na mga Damdamin at Karanasan

  • Napahiya

  • Bigo

  • Mahina

  • Dalamhati

  • Walang malasakit

  • Namimighati

  • Natatakot

Kinikimkim na mga Damdamin at Karanasan

  • Nababalisa

  • Nag-aalala

  • Nangangamba

  • Kinakabahan

  • Tinanggihan

  • Karapat-dapat sa pribilehiyo o gantimpala

  • Nasaktan

Kinikimkim na mga Damdamin at Karanasan

  • Nasaktan ang damdamin

  • Nabiktima

  • Nalulumbay

  • Kawalang-katarungan

  • Gutom

  • Pagod

  • Mga inaasahan na hindi nangyari

Talakayin:

Paano tayo matutulungan ng panalangin para mapalamig ang galit na nadarama natin?

4. Pagpiling Tumugon sa Nadaramang Galit sa Ibang Paraan

Basahin:

Mahalagang maunawaan ang kaugnayan ng galit at kalayaang pumili. Dahil maraming bagay ang nangyayari sa ating buhay, maaari tayong makadama ng galit, ngunit mapipili natin kung paano tutugon sa damdaming ito: magalit o maging mapagkawanggawa, mabait, at mapagbigay.

Inilarawan ni Elder Lynn G. Robbins ang isang sitwasyon kung saan isang mahusay na atletang binatilyo ang nag-try out at tinanggap sa isang sports team. Sa unang araw ng pagsasanay, pinalaro ng coach ang binatilyo laban sa isa pang manlalaro habang nanonood ang team. “Nang magmintis siya sa pagbuslo ng bola, nagalit siya at nagdabog at umangal. Lumapit sa kanya ang coach at sinabing, ‘Kapag inulit mo pa iyan, hindi ka na makakalaro kahit kailan sa team ko.’ Nang sumunod na tatlong taon, nakontrol niya ang sarili na magalit. Makalipas ang ilang taon, habang ginugunita niya ang pangyayaring ito, natanto niya na itinuro sa kanya ng coach noong araw na iyon ang isang alituntuning nagpapabago ng buhay: ang galit ay maaaring kontrolin” (“Agency and Anger,” Ensign, Mayo 1998, 80).

Talakayin:

Kailan ninyo piniling huwag tumugon nang may galit?

Basahin:

Ang isang paraan na maaari ninyong piliing tumugon ay sa pamamagitan ng pagpapatawa. Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland, “Nakadama si Jesus ng espesyal na kagalakan at kaligayahan sa mga bata at sinabing lahat tayo ay dapat maging higit na katulad nila—walang kasalanan at dalisay, madaling tumawa at magmahal at magpatawad” (“This Do in Remembrance of Me,” Ensign, Nob. 1995, 68–69). Ang pagtawa sa iyong sarili o pagpapatawa sa isang sitwasyon ay tumutulong sa inyo na mas makayanan ang di-inaasahang mga kalungkutan at kabiguan sa buhay. Ang nagpapasiglang pagpapatawa ay makatutulong sa pagbuti ng inyong pag-uugali, pakikipag-ugnayan, at kalusugan. Ang ganitong uri ng pagpapatawa ay hindi nakasasakit o nagpapahiya sa iba. Tulad ng nakasaad sa Mga Kawikaan, “Isang mabuting gamot ang masayang puso” (Mga Kawikaan 17:22). Bagama’t hindi angkop na tumawa sa lahat ng oras, karamihan sa mga tao ay maaaring makinabang sa madalas na pagtawa.

Talakayin:

Paano tayo matutulungan ng angkop na pagpapatawa na makontrol ang ating galit?

5. Pagkontrol sa Galit bilang Disipulo ni Jesucristo

Basahin:

Ang pamumuhay nang may pagkakaisa kay Jesucristo ay makatutulong sa inyo na makadama ng kapayapaan sa halip na galit. Ang “malaking pagbabago” ng puso (Alma 5:14) na nagmumula sa pakikiisa kay Jesucristo ay makatutulong sa inyo na naising patawarin ang iba, “patuloy na gumawa ng mabuti” (Mosias 5:2), at “[mag]hintay sa Panginoon” (Mga Awit 37:9). Pupuspusin kayo ng Espiritu Santo ng “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kagandahang-loob, kabutihan, katapatan, kaamuan, at pagpipigil sa sarili” (Galacia 5:22–23).

Panoorin:

Forgiveness: My Burden Was Made Light,” makukuha sa https://churchofjesuschrist.org/study/video/self-reliance-videos [8:24].

8:27

Talakayin:

Paano tayo pinagpapala kapag bumaling tayo sa Tagapagligtas para makontrol ang nadaramang galit?

Basahin:

Ang galit ay maaaring humantong sa marahas o mapang-abusong pag-uugali. Ang karahasan sa tahanan ay naiiba sa maliliit na pagtatalo. Walang sinuman ang inaasahang tiisin ang mapang-abusong pag-uugali. Tingnan sa abuse.ChurchofJesusChrist.org para sa mga crisis help line (makukuha sa Ingles lamang) at iba pang resources.

Kung biktima ka ng karahasan sa tahanan, humingi kaagad ng tulong, kabilang ang pagkontak sa mga angkop na awtoridad. Hindi kinukunsinti ng Simbahan ang pang-aabuso sa anumang uri nito. Sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley, “Kinukondena namin lalo na ang mga mapang-abusong pag-uugali sa anumang uri nito. Kinukondena namin ang pisikal, seksuwal, berbal, o emosyonal na pang-aabuso ng isang tao sa kanyang asawa o mga anak” (“What Are People Asking about Us?Ensign, Nob. 1998, 72). Ikaw man ay isang biktima o nang-abuso, humingi ng tulong ngayon kung nahihirapan kang umalis sa sitwasyon mo. Matutulungan ka ng iyong bishop o ng iba pang mga lider ng Simbahan na gumaling.

Ang Aking Aktibidad para Maging Alerto sa mga Sanhi ng Galit

Ilarawan ang ilang sitwasyon na nagtutulak sa iyo na magalit. (Halimbawa, isang argumento sa iyong asawa o kaibigan, pagharap sa mga problema sa pananalapi, o magulo at marumi ang bahay.)

Ilarawan ang pangangatwiran o mga pag-iisip na nakadaragdag sa iyong galit. (Halimbawa, “Sarili lang nila ang iniintindi nila” o “Napaka-iresponsable ng kaibigan ko.”)

Ilarawan ang nadarama mo na sanhi ng iyong galit. (Halimbawa, ang pakiramdan na hindi ka iginalang, ginamit ka, o binale-wala.)

Ilarawan ang mga pisikal na reaksyon na sa palagay mo ay mga palatandaan na nagagalit ka na. (Halimbawa, nagpapawis ang mga palad, mabilis ang tibok ng puso, o naiirita.)

Ilarawan kung paano ka magalit, pati na ang pinakamatinding ginawa mo. (Halimbawa, sumisigaw, binabagsak ang mga pintuan, o nananampal.)

Ilarawan ang isang kasanayan na nagpapalamig sa iyong galit. (Halimbawa, pagbilang nang hanggang 10 o paghinga o breathing exercise.)

Ilarawan kung ano ang gagawin mo sa susunod na magalit ka.