Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Ang Aking Saligan: Ang Ating Banal na Identidad at Layunin


ā€œ2: Ang Aking Saligan: Ang Ating Banal na Identidad at Layunin,ā€ Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

ā€œ2: Ang Aking Saligan: Ang Ating Banal na Identidad at Layunin,ā€ Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Ang Aking Saligan: Ang Ating Banal na Identidad at Layuninā€”Maximum na Oras: 20Ā Minuto

Isipin:

Ano ang kahalagahan ng aking kaluluwa sa Diyos?

Basahin:

ā€œTandaan na ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos; sapagkat, masdan, ang Panginoon na inyong Manunubos ay nakaranas ng kamatayan sa laman; dahil dito kanyang tiniis ang mga pasakit ng lahat ng tao, upang ang lahat ng tao ay magsisi at lumapit sa kanyaā€ (Doktrina at mga Tipan 18:10ā€“11).

Panoorin:

ā€œOur True Identity,ā€ mapapanood sa https://churchofjesuschrist.org/study/video/self-reliance-videos [3:39]. (Walang video? Basahin ang teksto para sa ā€œOur True Identity [Ang Ating Tunay na Identidad].ā€)

3:45

Ang Ating Tunay na Identidad

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

swan na ipininta

Pangulong DieterĀ F. Uchtdorf:

Karamihan sa kalituhang nararanasan natin sa buhay na ito ay nagmumula lamang sa hindi pagkaunawa sa kung sino tayo.

Isa sa pinakamagagaling na kuwentista sa kasaysayan ay ang manunulat na Danish na si Hans Christian Andersen. Sa isang kuwento niya, ā€œAng Pangit na Bibe,ā€ natuklasan ng isang inang pato na kakaiba ang laki at napakapangit ng isa mga bagong pisang bibe. Ayaw lubayan ng iba pang mga bibe ang pangit na anak. Walang awa nila itong pinahirapan.

Ipinasiya ng pangit na bibe na mas makabubuti sa lahat kung iiwan niya ang kanyang pamilya, kaya lumayas siya. Pagkatapos isang araw ay nakita niyang nagliliparan sa himpapawid ang isang langkay ng magagandang ibon. Lumipad siya at sinundan ang mga ito sa isang magandang lawa. Ang pangit na bibe ay tumingin sa tubig at nakakita ng repleksyon ng isang napakagandang sisne. Napagtanto ng pangit na bibe na ang sarili niya ang nakikita niya! Natuklasan niya kung sino talaga siya.

Isipin kung saan kayo nanggaling. Kayo ay mga anak na lalaki at babae ng pinakadakila, pinakamaluwalhating nilalang sa sansinukob. Mahal Niya kayo nang walang hanggan. Hangad Niya ang pinakamabuti para sa inyo. Ang kaalamang ito ay nagpapabago sa lahat ng bagay. Binabago nito ang inyong kasalukuyan. Mababago nito ang inyong hinaharap. At mababago nito ang mundo.

Kung nauunawaan lamang natin kung sino tayo at ano ang nakalaan para sa atin, mapupuspos ang ating puso ng malaking pasasalamat at kaligayahan na magbibigay-liwanag maging sa pinakamatitinding kalungkutan nang may liwanag at pagmamahal ng Diyos.

Mangyari pa, palaging may mga tinig na magsasabi sa inyo na hangal kayo kung maniniwala kayo na kayo ay mga sisne, iginigiit nila na kayo ay mga pangit na bibe lamang at walang mararating. Ngunit kayo ang mas nakakaalam. Hindi kayo mga ordinaryong nilalang. Kayo ay maluwalhati at walang hanggan.

Nakikiusap ako sa inyoā€”tumingin lamang sa tubig at tingnan ang inyong tunay na repleksyon! Dalangin ko at binabasbasan ko kayo na kapag tiningnan ninyo ang inyong repleksyon, hindi ninyo makikita ang mga kapintasan at pagdududa ninyo sa sarili at makikilala ninyo kung sino kayo talaga: mga maluwalhating anak ng Makapangyarihang Diyos. Sa sagradong pangalan ni Jesucristo, amen.

Basahin:

Ang mga sumusunod na pahayag ng mga lider ng Simbahan:

ā€œIkaw ay anak ng Diyos. Siya ang ama ng iyong espiritu. Sa espirituwal, marangal ang iyong pinagmulan, ikaw ay supling ng Hari ng Langit. Isaisip ang katotohanang iyan at manangan ditoā€ (BoydĀ K. Packer, ā€œTo Young Women and Men,ā€ Ensign, Mayo 1989,Ā 54).

ā€œMag-ingat kung paano ninyo ilalarawan ang inyong sarili. Huwag ninyong ilarawan o tukuyin ang inyong sarili sa pamamagitan ng ilang katangiang pansamantala lamang. Ang kaisa-isang katangian na dapat maglarawan sa atin ay na tayo ay anak na lalaki o babae ng Diyos. Ang katotohanang iyan ay nangingibabaw sa lahat ng iba pang mga katangian, kabilang ang lahi, trabaho, mga katangiang pisikal, mga karangalan, o kahit sa kinaaanibang relihiyonā€ (DallinĀ H. Oaks, ā€œHow to Define Yourself,ā€ New Era, Hunyo 2013,Ā 48).

ā€œKayo ay kakaiba. Wala kayong katulad, ginawang may walang-hanggang katalinuhan para magkaroon kayo ng buhay na walang hanggan.

ā€œHuwag hayaang magkaroon ng pagdududa sa inyong isipan tungkol sa inyong kahalagahan bilang indibiduwal. Ang buong layunin ng plano ng ebanghelyo ay bigyan ng oportunidad ang bawat isa sa inyo na maabot ang inyong buong potensyal, ang walang-hanggang pag-unlad at ang posibilidad na maging diyosā€ (SpencerĀ W. Kimball, ā€œPrivileges and Responsibilities of Sisters,ā€ Ensign, Nob. 1978, 105).

Talakayin:

Bakit napakahalaga na maalala natin ang ating tunay na identidad at potensyal?

Basahin:

ā€œHindi natin kayang sukatin ang halaga ng isang kaluluwa na katulad ng hindi natin kayang sukatin ang lawak ng sansinukob. Bawat taong makilala natin ay napakahalaga sa ating Ama sa Langit. Kapag naunawaan natin iyan, mauunawaan natin kung paano natin dapat pakitunguhan ang ating kapwaā€ (DieterĀ F. Uchtdorf, ā€œKayo ang Aking mga Kamayā€ Liahona, Mayo 2010,Ā 69).

Talakayin:

Bakit mahalagang makita ang iba tulad ng pagtingin ng Diyos sa kanila? Paano natin mapapaunlad ang espirituwal na kaloob na ito?

Mangakong Gawin:

Tutukoy ako ng isang paraan para maalala ang aking banal na identidad sa linggong ito.