“4: Resources,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)
“4: Resources,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin
Resources
Mga Ideya para sa Pagre-relax
Musika |
Napatunayang ang musika ay makatutulong para mabawasan ang pagkabalisa at stress. Kapag nakadarama ka ng stress o pinanghihinaan ng loob, kumanta o makinig sa paborito mong musika. “Ang mga himno [at iba pang nakasisiglang musika] ay makapag-aalo sa ating mga kaluluwa, makapagbibigay-tapang sa atin, at hihimok sa atin upang gumawa ng kabutihan. Mapupuno [ng mga ito] ng makalangit na pag-iisip ang ating mga kaluluwa at makapagdudulot sa atin ng kapayapaan” (“Paunang Salita ng Unang Panguluhan,” Mga Himno, 2001, viii–ix). |
---|---|
Progressive Relaxation Exercise |
Ang deep relaxation o dahan-dahang pagre-relax ng katawan ay tumutulong sa iyong katawan na makabawi mula sa stress. Gawin ang ehersisyong ito sa gabi bago matulog para sanayin ang iyong katawan na ma-relax. Gawin ang mas maikling bersiyon ng ehersisyong ito anumang oras sa maghapon kapag nakadarama ka ng stress. Humiga o umupo nang komportable at pumikit. Hanapin ang anumang tensiyon na maaaring nadarama mo, magtuon muna sa isang bahagi ng iyong katawan: ang iyong ulo at mukha, mga mata, panga, leeg, balikat at likod, mga kamay at daliri, dibdib at tiyan, mga binti, at mga paa at daliri sa paa. I-relax ang bawat bahagi ng iyong katawan. Damhin na unti-unting nawawala ang lahat ng tensiyon, parang buhangin na nahuhulog mula sa iyong mga daliri. Kung nadarama mo pa rin ang tensiyon, tigasan [tighten] ang bahagi ng iyong katawan na nakadarama ng tensiyon sa loob ng 10 segundo at pagkatapos ay i-release sa loob ng 10 segundo. Huwag magmadali. Suriin sa iyong isipan kung mayroon pang tensiyon sa iyong katawan, pagkatapos ay lubos na mag-relax. Magtuon sa isang alaala o lugar na nagdudulot sa iyo ng kapayapaan at kagalakan. Sikaping isipin nang malinaw ang sitwasyon hangga’t maaari hanggang sa madama mong handa ka nang muling buksan ang iyong mga mata. |
Pagiging Alerto Gamit ang Limang Pandama |
Ang pagpokus sa iyong mga pandama ay makatutulong sa iyo na maging alerto. Sa loob ng ilang minuto, tahimik na obserbahan ang iyong paligid. Habang ginagawa mo ito, sikaping gawin ang mga sumusunod: Pansinin ang limang bagay na makikita mo. Tumingin sa paligid mo at ituon ang iyong pansin sa limang bagay na makikita mo. Pumili ng isang bagay na hindi mo karaniwang napapansin, tulad ng anino o isang maliit na bitak. Pansinin ang apat na bagay na mararamdaman mo. Bigyang-pansin ang apat na bagay na kasalukuyan mong nararamdaman, tulad ng pagkakahabi [texture] ng iyong damit, pagdampi ng hangin sa iyong balat, o ang makinis na ibabaw ng mesa kung saan nakapatong ang iyong mga kamay. Pansinin ang tatlong bagay na maririnig mo. Makinig sandali, at pansinin ang tatlong bagay na naririnig mo sa iyong paligid. Maaaring ito ay huni ng isang ibon, ugong ng refrigerator, o ang mahinang tunog ng trapiko mula sa kalapit na kalsada. Pansinin ang dalawang bagay na maaamoy mo. Pansinin ang dalawang amoy na karaniwang naaamoy mo, kasiya-siya man ito o hindi. Maaari mong maamoy ang isang puno ng pine tree kung nasa labas ka o ang damit na suot mo. Pansinin ang isang bagay na matitikman mo. Magtuon sa isang bagay na matitikman mo ngayon, sa sandaling ito. Maaari kang uminom ng isang inumin, ngumuya ng bubble gum, kumain ng isang pagkain, o pansinin ang kasalukuyang lasa sa iyong bibig. |
Paglalarawan sa Isip |
Sa paraang ito ng pagre-relax, lilikha ka ng mga larawan sa iyong isipan na magdadala sa iyo sa isang payapa at panatag na lugar o sitwasyon. Magsimula sa pag-iisip ng isang lugar na nagpapasaya sa iyo. Ito ay maaaring isang tunay na lugar o imahinasyon lang. Habang naglalarawan sa isipan, subukang gamitin ang maraming pandama hangga’t kaya mo, kabilang ang pang-amoy, paningin, pandinig at pandama. Kung ang nailarawan mo sa iyong isipan ay nagre-relax ka sa tabi ng karagatan, maaari mong isipin ang amoy ng tubig-alat, ang tunog ng paghampas ng mga alon, at ang init ng araw sa iyong katawan. Maaari mong ipikit ang iyong mga mata, umupo sa isang tahimik na lugar, at tiyakin na komportable ang iyong damit. |
Paalala: Magagamit mo rin ang aktibidad para maging alerto mula sa kabanatang ito.