Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Ang Aking Saligan: Manampalataya kay Jesucristo


“1: Ang Aking Saligan: Manampalataya kay Jesucristo,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“1: Ang Aking Saligan: Manampalataya kay Jesucristo,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Ang Aking Saligan: Manampalataya kay Jesucristo—Maximum na Oras: 20 minuto

Isipin:

Itanong sa iyong sarili, “Paano ako tinutulungan ng aking pananampalataya kay Jesucristo na makayanan ang mahihirap na panahon?”

Panoorin:

Exercise Faith in Jesus Christ,” mapapanood sa https://churchofjesuschrist.org/study/video/self-reliance-videos [1:43]. (Walang video? Basahin ang teksto para sa “Exercise Faith in Jesus Christ [Manampalataya kay Jesucristo].”)

1:51

Manampalataya kay Jesucristo

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

lalaking nagdadala ng kaban ng tipan

Elder David A. Bednar:

Ang pagkilos ay pagpapakita ng pananampalataya. Dala ng mga anak ni Israel ang kaban ng tipan. Dumating sila sa Ilog Jordan. Ang pangako ay tatawid sila sa tuyong lupa. Kailan nahawi ang tubig? Nang mabasa muna ang kanilang mga paa. Naglakad sila sa ilog—kumilos sila. Sumunod ang kapangyarihan—nahawi ang tubig.

Madalas nating sabihin, “Uunawain ko nang husto ang kaalamang ito, at pagkatapos ay gagawin ko iyan.” Sinasabi ko na dapat sapat na ang alam natin para magsimula. Nasa tamang direksyon na tayo. Ang pananampalataya ay isang alituntunin—ang alituntunin—ng paggawa at ng kapangyarihan. Ang tunay na pananampalataya ay nakatuon sa Panginoong Jesucristo at palaging humahantong sa pagkilos at paggawa.

(Tingnan sa “Seek Learning by Faith” [mensaheng ibinigay sa Church Educational System religious educators, Peb. 3, 2006], ChurchofJesusChrist.org/media-library.)

Basahin:

Ang sumusunod na scripture passage at mga pahayag ng mga lider ng Simbahan:

“At ni hindi kailanman nakagawa ang sinuman ng mga himala hanggang sa sila muna ay nagkaroon ng pananampalataya; anupa’t sila ay naniwala [muna] sa Anak ng Diyos” (Eter 12:18).

“Ang pananampalataya sa Diyos ay kinapapalooban ng pananampalataya sa Kanyang mga layunin gayundin sa Kanyang panahon. Hindi natin Siya lubos na matatanggap habang tinatanggihan natin ang Kanyang iskedyul” (Neal A. Maxwell, That Ye May Believe [Salt Lake City: Bookcraft, 1992], 84).

“Ang pananampalataya kay Jesucristo ay nagtutulak sa atin na gawin ang mga bagay na kung tutuusin ay hindi natin gagawin. Ang pananampalatayang naggaganyak sa atin na kumilos ay nagbibigay-daan upang higit tayong makahugot ng lakas sa Kanya. Pinalalakas din natin ang kapangyarihan ng Tagapagligtas sa ating buhay kapag gumagawa tayo ng mga sagradong tipan at ganap na tinutupad ang mga tipang ito. Ang ating mga tipan ang nagbubuklod sa atin sa Kanya at nagbibigay sa atin ng lakas mula sa Diyos” (Russell M. Nelson, “Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2017, 41).

“Maaari tayong magalak kahit hindi maganda ang araw natin, o ang linggo natin, o ang buong taon!

“Mahal kong mga kapatid, ang kagalakang nadarama natin ay halos walang kinalaman sa mga sitwasyon natin sa buhay kundi sa pinagtutuunan natin sa buhay.

“Kapag nakatuon ang ating buhay sa plano ng kaligtasan ng Diyos … at kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, makadarama tayo ng kagalakan anuman ang nangyayari—o hindi nangyayari—sa ating buhay. Ang kagalakan ay nagmumula sa at dahil sa Kanya. Siya ang pinagmumulan ng lahat ng kagalakan” (Russell M. Nelson, “Kagalakan at Espirituwal na Kaligtasan,” Liahona, Nob. 2016, 82).

Talakayin:

Bakit kinakailangan ang pananampalataya para matulungan tayo ng Diyos sa temporal, emosyonal, at espirituwal?

Mangakong Gawin:

Pipili ako ng isang bagay na gagawin sa linggong ito para mapalakas ang aking pananampalataya kay Jesucristo.