Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Isipin


“2: Isipin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“2: Isipin,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Isipin—Maximum na Oras: 5 Minuto

Isipin nang mag-isa ang natutuhan mo ngayon, at ang maaaring ipagawa sa iyo ng Diyos. Basahin ang sipi at isulat ang iyong mga sagot sa mga tanong sa ibaba.

“Kailangan tayong magtuon sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo. Kailangang mag-isip nang husto sa pagsisikap na magtuon sa Kanya sa bawat pag-iisip. Ngunit kapag ginawa natin ito, mawawala ang ating mga pagdududa at takot” (Russell M. Nelson, “Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2017, 41).

Ano ang mga pinakamakabuluhang bagay na natutuhan ko ngayon?

Ano ang isang bagay na gagawin ko dahil sa natutuhan ko ngayon? (Maaaring ito ang iyong personal na pangako para sa linggong ito. Kung wala kang maisip na pangako, may nakalistang ilang posibleng ideya sa ibaba.)

Mga Ideya para sa Pangako:

  • Kumpletuhin ang “Chart ng Thinking Management” (sa bahaging “Mangakong Gawin”).

  • Magsanay na suriin at palitan ang aking mga maling pag-iisip ng mga tamang pag-iisip.

  • Tumukoy ng mga maling paraan ng pag-iisip na pagsisikapan kong baguhin.

  • Taimtim na manalangin at itanong sa Ama sa Langit kung ano ang nadarama Niya tungkol sa iyo.