Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Ang Aking Saligan: Makipag-usap


“8: Ang Aking Saligan: Makipag-usap,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)

“8: Ang Aking Saligan: Makipag-usap,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin

Ang Aking Saligan: Makipag-usap—Maximum na Oras: 20 Minuto

Isipin:

Kailan sinagot ng Ama sa Langit ang aking mga panalangin?

Panoorin:

Creating Lift,” mapapanood sa https://churchofjesuschrist.org/study/video/self-reliance-videos. (Walang video? Basahin ang teksto para sa “Paglikha ng Pag-angat.”)

2:3

Paglikha ng Pag-angat

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

Dieter F. Uchtdorf

Pangulong Dieter F. Uchtdorf:

Para maiangat ang eroplano mula sa lupa, kailangang lumikha ng pag-angat. Sa aerodynamics, nangyayari ang pag-angat kapag dumadaan ang hangin sa mga pakpak ng eroplano at ang puwersa ng hangin sa ilalim ng pakpak ay mas malakas kaysa sa puwersa ng hangin sa ibabaw ng pakpak. Kapag nahigitan ng pag-angat ang paghila pababa ng gravity, umaangat ang eroplano sa lupa at nagsisimulang lumipad.

Sa gayunding paraan, makalilikha tayo ng pag-angat sa ating espirituwal na buhay. Kapag ang puwersang tumutulak sa atin pataas ay mas malakas kaysa sa mga tukso at kalungkutang humihila sa atin pababa, makaaangat at makalilipad tayo tungo sa kinaroroonan ng Espiritu.

Bagaman maraming alituntunin ng ebanghelyo na tumutulong sa atin upang makaangat, gusto kong magtuon ng pansin sa isang ito.

Panalangin!

Ang panalangin ay isa sa mga alituntunin ng ebanghelyo na nagpapaangat. May kapangyarihan ang panalangin na ilayo tayo mula sa ating mga alalahanin sa mundo. Maiaangat tayo ng panalangin mula sa mga ulap ng pagdurusa o kadiliman tungo sa maliwanag at maaliwalas na papawirin.

Isa sa pinakadakilang mga pagpapala at pribilehiyo at oportunidad na mayroon tayo bilang mga anak ng ating Ama sa Langit ay ang pagkakataon nating makausap Siya sa pamamagitan ng panalangin. Masasabi natin sa Kanya ang mga karanasan natin sa buhay, pagsubok, at pagpapala. Makaririnig at makatatanggap tayo ng makalangit na patnubay mula sa Banal na Espiritu anumang oras at saanmang lugar.

(Tingnan sa “Panalangin at ang Bughaw na Papawirin,” Liahona, Hunyo 2009, 5–6.)

Talakayin:

Bakit mahalagang bahagi ng panalangin ang pakikinig?

Basahin:

Ang sumusunod na scripture passage at pahayag ni Pangulong Nelson:

“Sasabihin ko sa iyo sa iyong isipan at sa iyong puso, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, na pasasaiyo at mananahanan sa iyong puso” (Doktrina at mga Tipan 8:2).

“Ang inyong kaluluwa ay mapagpapala kapag natuto kayong makinig, pagkatapos ay makinig para matuto mula sa mga bata, magulang, asawa, mga kapitbahay, at lider ng Simbahan, lahat ng ito ay magpapaibayo sa inyong kakayahan sa pakikinig nang mabuti sa mga payo mula sa langit” (Russell M. Nelson, “Listen to Learn,” Ensign, Mayo 1991, 24).

Talakayin:

Paano natin matututuhang mas mahiwatigan ang mga sagot sa ating mga panalangin?

Basahin:

Ang mga sumusunod na pahayag ng mga lider ng Simbahan:

“Pinakikinggan ng Ama sa Langit ang mga panalangin ng Kanyang mga anak sa buong mundo na humihingi ng pagkaing makakain, damit para takpan ang kanilang katawan, at dangal na magmumula sa kakayahang paglaanan ang kanilang sarili” (Henry B. Eyring, “Mga Pagkakataong Gumawa ng Mabuti,” Liahona, Mayo 2011, 22).

“Dapat tayong humingi ng tulong sa ating Ama sa Langit at humanap ng lakas mula sa Pagbabayad-sala ng Kanyang Anak na si Jesucristo. Sa mga bagay na kapwa temporal at espirituwal, ang pagtatamo ng banal na tulong na ito ay magbibigay-daan sa atin na maging masisinop na tagapaglaan para sa ating sarili at sa iba” (Robert D. Hales, “Pagiging Masisinop na Tagapaglaan sa Temporal at sa Espirituwal,” Liahona, Mayo 2009, 8).

Mangakong Gawin:

Magdarasal ako nang mag-isa at magdarasal kasama ang aking pamilya tuwing umaga at gabi. Mag-uukol ako ng oras na makinig sa mga payo nang may pagpipitagan pagkatapos ng bawat panalangin.