“Para sa mga Facilitator,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin (2020)
“Para sa mga Facilitator,” Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin
Para sa mga Facilitator
Salamat sa inyong kahandaang maglingkod bilang facilitator. Sa tungkuling ito, magiging bahagi kayo ng isang napakagandang bagay. Ang inyong mga pagsisikap ay tutulong sa isang maliit na grupo ng mga indibiduwal na maging mas matatag sa damdamin habang ipinamumuhay nila ang mga alituntunin ng ebanghelyo at natututo ng mga praktikal na kasanayan. Hindi ninyo kailangang maging eksperto, at hindi kayo ang responsable sa mga paksang pinasimulang talakayin ng iba; sundin lamang ang mga materyal at umasa sa inspirasyon mula sa Espiritu at sa grupo.
Ang pangangasiwa sa grupong ito ay naiiba sa iba pang mga kurso ng self-reliance. Bagama’t maaaring makibahagi sa kursong ito ang maraming tao, ayon sa karanasan ang pinakamainam na laki ng isang grupo para sa kursong ito ay 8 hanggang 10 participant. Ang mga paksa sa manwal na ito ay sensitibo, kaya maaaring maging napaka-emosyonal ng ilang participant. Kung mangyari ito, mangyaring maging maunawain hangga’t maaari. Karamihan sa mga participant ay mabilis ding magbigay ng suporta sa iba.
Kung ang mga materyal na ito ay gagamitin sa mga grupo ng mga kabataan, iminumungkahi na 16 na taong gulang pataas ang mga participant at may dalawang adult ang dadalo roon. Kung may mga alalahanin kayo tungkol sa kaligtasan ng isang kabataan dahil sa isang bagay na ibinahagi niya sa miting, ipaalam ito sa magulang o tagapag-alaga.
Nasa ibaba ang ilang sitwasyon na maaari ninyong makaharap at ang ilang posibleng sagot.
Sitwasyon |
Posibleng Sagot |
---|---|
Sitwasyon Ang pagbabahagi ay lumagpas sa itinakdang oras. | Posibleng Sagot Pumili ng isang miyembro ng grupo na magiging timekeeper. “Nauunawaan ko kung gaano ito kahalaga sa iyo, pero kailangan nating magpatuloy sa iba pang bahagi para matapos tayo sa takdang oras.” |
Sitwasyon Napakaraming ibinabahagi o nangingibabaw sa talakayan ng grupo ang isang participant. | Posibleng Sagot “Salamat sa pagbabahagi. Kailangan nating bigyan ng pagkakataon ang iba para makapagbahagi.” |
Sitwasyon Masyadong detalyado ang participant sa paglalarawan ng sitwasyon o hamon. | Posibleng Sagot “Tila mahirap na sitwasyon iyan. Gusto kong ipaalala sa iyo, at sa ating lahat, na wala talaga tayong oras o training para matugunan ang isyung iyan.” |
Pagtugon sa Mahihirap na Sitwasyon
Kung patuloy na tumitindi ang emosyon sa isang miting, maaaring itigil sandali ang talakayan o magkaroon ng maikling break. Kausapin nang mag-isa ang participant. Itanong sa participant na iyon, “OK ka ba? Tila nababalisa ka. May maitutulong ba ako?” Dapat tingnan muna ng facilitator na OK ang lahat ng participant bago sila umalis sa miting. Kung ang participant ay nananakot na o nakakasakit na ng sinuman, hilingin sa tao na umalis, tumawag ng pulis, at ipaalam kaagad sa mga lider ng priesthood. Maging pamilyar sa Meetinghouse Security Guidelines, na makukuha sa pamamagitan ng inyong bishop.
DAPAT GAWIN |
---|
DAPAT GAWIN BAGO ANG BAWAT MITING
SA ORAS NG BAWAT MITING
PAGKATAPOS NG BAWAT MITING
|
HINDI DAPAT GAWIN |
---|
HINDI DAPAT GAWIN BAGO ANG BAWAT MITING
SA ORAS NG BAWAT MITING
|
Self-Assessment para sa Facilitator
Pagkatapos ng bawat miting ng grupo, rebyuhin ang mga pahayag sa ibaba. Gaano kahusay ang ginagawa mo?
Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator? |
Hindi kailanman |
Minsan |
Madalas |
Palagi |
---|---|---|---|---|
Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator? 1. Nakikibahagi ang lahat nang pantay-pantay. | Hindi kailanman | Minsan | Madalas | Palagi |
Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator? 2. Hinahayaan kong sagutin ng mga miyembro ng grupo ang mga tanong sa halip na ako ang sumagot sa mga ito. Mas bihira akong magsalita kaysa ibang mga miyembro ng grupo. | Hindi kailanman | Minsan | Madalas | Palagi |
Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator? 3. Sinusunod ko ang workbook ayon sa nakasulat dito at tinatapos ko ang lahat ng bahagi at aktibidad. | Hindi kailanman | Minsan | Madalas | Palagi |
Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator? 4. Kinokontak ko ang mga miyembro ng grupo sa buong linggo. | Hindi kailanman | Minsan | Madalas | Palagi |
Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator? 5. Ipinapakita ko ang aking kasiyahan at pagmamahal sa bawat miyembro ng grupo. | Hindi kailanman | Minsan | Madalas | Palagi |
Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator? 6. Hindi ako lumalagpas sa iminumungkahing oras para sa bawat bahagi at aktibidad. | Hindi kailanman | Minsan | Madalas | Palagi |
Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator? 7. Naglalaan ako ng oras para sa bahaging “Isipin” para magabayan ng Espiritu Santo ang mga miyembro ng grupo. | Hindi kailanman | Minsan | Madalas | Palagi |
Gaano Ako Kahusay Bilang Facilitator? 8. Tumutulong ako na matiyak na nagagawa ng bawat miyembro ng grupo, na gustong magreport, ang mga ipinangako niyang gagawin. | Hindi kailanman | Minsan | Madalas | Palagi |
Ano ang Ginagawa ng Grupo Ko? |
Hindi kailanman |
Minsan |
Madalas |
Palagi |
---|---|---|---|---|
Ano ang Ginagawa ng Grupo Ko? 1. Hinihikayat at ipinapakita ng mga miyembro ng grupo ang suporta nila sa isa’t isa. | Hindi kailanman | Minsan | Madalas | Palagi |
Ano ang Ginagawa ng Grupo Ko? 2. Tinutupad ng mga miyembro ng grupo ang kanilang mga ipinangako. | Hindi kailanman | Minsan | Madalas | Palagi |
Ano ang Ginagawa ng Grupo Ko? 3. Kapwa nakakamtan ng mga miyembro ng grupo ang temporal at espirituwal na mga resulta. | Hindi kailanman | Minsan | Madalas | Palagi |
Ano ang Ginagawa ng Grupo Ko? 4. Regular na kinokontak at hinihikayat ng mga action partner ang isa’t isa sa buong linggo. | Hindi kailanman | Minsan | Madalas | Palagi |