Institute
Lesson 1 Materyal ng Titser: Ang Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo


“Lesson 1 Materyal ng Titser: Ang Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon (2021)

“Lesson 1 Materyal ng Titser” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon

Lesson 1 Materyal ng Titser

Ang Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo

Si Bishop Gérald Caussé, Presiding Bishop, ay nagpatotoo na, “Ang pinakamahalagang mensahe ng Aklat ni Mormon ay ang ipanumbalik ang totoong kaalaman tungkol sa mahalagang papel ni Jesucristo sa kaligtasan at kadakilaan ng sangkatauhan” (“Isang Buhay na Saksi ng Buhay na Cristo,” Liahona, Mayo 2020, 39).

Hinihikayat tayo ng Aklat ni Mormon na maniwala kay Jesucristo at gumawa ng mabuti. Sa lesson na ito, matutukoy ng mga estudyante ang mahahalagang pagpapalang maaari nilang matanggap sa pamamagitan ng kanilang pag-aaral ng Aklat ni Mormon, maipapaliwanag nila kung ano ang maaari nilang gawin para mas mapalapit kay Jesucristo, at maipaplano nila kung paano sila magiging mas masisigasig na mag-aaral.

Paalala: Kung maaari, kontakin ang mga estudyante na nagrehistro para sa kursong ito bago ang kanilang unang araw ng klase, at anyayahan sila na pag-aralan ang materyal sa paghahanda para sa unang lesson bago ang klase. Tiyakin na ang lahat ng iba pang estudyante ay may kopya ng materyal sa paghahanda para sa lesson 1 sa simula ng unang klase. Gamitin ang materyal sa paghahanda sa inyong talakayan sa klase para maunawaan kaagad ng mga estudyante kung paano ito makatutulong sa kanila na maghanda para sa klase at mapaganda ang kanilang karanasan sa klase.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Babaguhin ng Aklat ni Mormon ang inyong buhay.

Matapos batiin ang mga estudyante at kilalanin sila nang sandali, tiyakin na may access sila sa materyal sa paghahanda para sa klase para sa lesson na ito. Pagkatapos ay idispley at basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson:

Pangulong Russell M. Nelson

May makapangyarihang nangyayari kapag hangad ng isang anak ng Diyos na malaman pa ang tungkol sa Kanya at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak. Walang ibang lugar na itinuro ito nang mas malinaw at makapangyarihan kaysa sa Aklat ni Mormon. …

Ang palagi at dibdibang pag-aaral ng mga katotohanan ng Aklat ni Mormon ay makapagpapabago ng buhay. (“Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?Liahona, Nob. 2017, 61, 62)

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa mensahe ng Aklat ni Mormon mula kay Pangulong Nelson? (Habang nagbabahagi ang mga estudyante, maaari mong isulat sa pisara ang mga katotohanang tulad ng sumusunod: Ang pag-aaral ng Aklat ni Mormon ay makatutulong sa akin na makilala ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Babaguhin nito ang aking buhay.)

Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo kung paano nakaimpluwensya ang Aklat ni Mormon sa iyong kaalaman tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at sa iyong kaugnayan sa Kanila.

Anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang patotoo ni Pangulong Nelson sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda at ibahagi kung alin sa kanyang mga pahayag tungkol sa Aklat ni Mormon ang pinakamahalaga sa kanila ngayon.

Ang Aklat ni Mormon ay nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo.

Ipaliwanag na ang malaking bahagi ng Aklat ni Mormon ay isinulat ng apat na pangunahing may-akda: Nephi, Jacob, Mormon, at Moroni. Idispley o ipamahagi ang sumusunod na chart. Pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na basahin bilang buong klase o nang may kapartner ang mga scripture passage sa ilalim ng “Karanasan” sa pangalawang column, at alamin kung ano ang nagpamarapat sa bawat manunulat na maging saksi ni Jesucristo.

Mga Pangunahing May-akda ng Aklat ni Mormon

Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon—Lesson 1

Manunulat

Karanasan

Layunin

Layunin

Manunulat

  1. Nephi

Karanasan

2 Nephi 11:2

Layunin

2 Nephi 25:26

Manunulat

  1. Jacob

Karanasan

2 Nephi 11:3

Layunin

Jacob 1:7–8

Manunulat

  1. Mormon

Karanasan

Mormon 1:15

Layunin

Mormon 3:20–22

Manunulat

  1. Moroni

Karanasan

Eter 12:38–39

Layunin

Eter 12:41

Mga Pangunahing May-akda ng Aklat ni Mormon

handout ng titser

Matapos bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante, anyayahan sila na ibahagi kung ano ang natutuhan nila mula sa mga scripture passage na ito.

  • Isipin na kunwari ay kausap ninyo ang isang tao na alam ninyong nakita at nakausap si Jesucristo. Ilarawan kung paano kayo makikinig at tutugon sa mga sinabi ng taong iyon. Dahil alam ninyo ang tungkol kina Nephi, Jacob, Mormon, at Moroni, paano kaya ninyo babasahin at pag-aaralan ang Aklat ni Mormon nang naiiba sa iba pang mga aklat?

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang isang scripture passage na pinili nila mula sa pangatlong column ng chart, na pinamagatang “Layunin,” at magpahanap ng isa o higit pang mga dahilan kung bakit isinulat ng manunulat ang kanyang mensahe. Matapos bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante, anyayahan sila na ibahagi kung ano ang natuklasan nila.

Basahin nang sabay-sabay ang 2 Nephi 33:10 at tukuyin kung paano mapagpapala at mababago ng mga salita ng mga propeta sa Aklat ni Mormon ang ating buhay.

  • Ano ang natutuhan ninyo mula kay Nephi tungkol sa layunin ng kanyang talaan? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang katotohanang tulad ng sumusunod: Ang mensahe ng Aklat ni Mormon ay naghihikayat sa atin na maniwala sa Panginoong Jesucristo at gumawa ng mabuti.)

  • Paano kayo natulungan ng Aklat ni Mormon na gumawa ng mabuti at maniwala kay Jesucristo?

Bigyan ng oras ang mga estudyante na pagnilayan kung paano nila magagawang mas nakatuon kay Cristo ang kanilang pag-aaral ng Aklat ni Mormon. Maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang kanilang mga naisip.

Ang materyal sa paghahanda para sa klase ay naghihikayat ng pag-aaral.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Magtiwala sa paghahanda ng iyong mga estudyante. Maghanap ng mga paraan para mahikayat ang mga estudyante na pag-aralan ang materyal sa paghahanda bago ang klase. Pagkatapos ay gamitin ang kanilang paghahanda sa oras ng klase. Ang paggawa nito ay makahihikayat sa mga estudyante na maging mas responsable sa sarili nilang pag-aaral. Sa kursong ito, bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon na ibahagi kung paano napalalim ng materyal sa paghahanda ang kanilang personal na pag-aaral ng Aklat ni Mormon at kung paano nito napaganda ang kanilang karanasan sa klase.

Dahil ito ang unang klase at maaaring maraming estudyante ang hindi nagkaroon ng pagkakataong pag-aralan ang materyal sa paghahanda bago ang klase, maaari ninyong basahin nang sabay-sabay ang bahagi 3 ng materyal sa paghahanda para sa klase at itanong:

  • Ano ang natuklasan ninyo tungkol sa paghahanda para sa espirituwal na pag-aaral mula sa paanyaya ng Tagapagligtas sa 3 Nephi 17:3?

  • Sa paanong paraan natin maihahanda ang ating puso at isipan para matuto sa klaseng ito?

  • Paanong ang pagbabasa ng materyal sa paghahanda, pati na ng mga naka-assign na talata sa Aklat ni Mormon, bago ang klase ay nakadaragdag sa inyong kakayahang matuto mula sa isa’t isa at sa Espiritu Santo sa oras ng klase? (Maaaring makatulong na anyayahan ang mga estudyante na tingnan kung paano makatutulong sa kanila ang mga paanyayang mag-aral, magnilay-nilay, isulat, o talakayin na matatagpuan sa materyal sa paghahanda para sa klase para mas mapalalim ang kanilang personal na pag-aaral at mapaganda rin ang kanilang karanasan sa pag-aaral sa klase.)

Anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin o kumpletuhin ang “Isulat ang Iyong mga Naisip” sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na kumpletuhin ang aktibidad na “Ibahagi sa Iyong Titser” sa may dulo ng materyal sa paghahanda kung hindi pa nila ito nagagawa.

Sa pagtatapos ng klase, maaaring magpatotoo ka o ang isang estudyante kung paanong ang pagdalo nang handang matuto nang magkakasama ay magpapala sa buhay ng lahat ng miyembro ng klase habang nagtutulungan kayong maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Para sa Susunod

Ipaliwanag na ang susunod na klase ay tungkol sa pagtugon sa payo ng mga propeta. Itanong sa mga estudyante kung anong mga kamakailang mensahe mula sa mga propeta ang personal na nakaimpluwensya sa kanila. Maaari mo ring sabihin sa kanila na pag-isipan ang anumang mensahe ng mga propeta na maaaring mahirap para sa ilang tao na tanggapin. Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang mga mensaheng ito at ang maaaring maging epekto nito habang pinag-aaralan nila ang materyal sa paghahanda para sa susunod na klase.