Institute
Lesson 17 Materyal ng Titser: Pagiging Kabilang sa Simbahan ng Panginoon


“Lesson 17 Materyal ng Titser: Pagiging Kabilang sa Simbahan ng Panginoon,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon (2021)

“Lesson 17 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon

Lesson 17 Materyal ng Titser

Pagiging Kabilang sa Simbahan ng Panginoon

Tulad ng ginawa Niya sa Kanyang mga tagasunod sa Palestina, inorganisa ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa mga Nephita at Lamanita. Tumawag Siya ng labindalawang disipulo at binigyan Niya sila ng awtoridad ng priesthood upang pamahalaan ang Kanyang Simbahan. Ang lesson na ito ay magbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na magtuon sa ordenansa ng sacrament at matukoy kung ano ang maaari nilang gawin upang maging mas makabuluhan at nakasentro kay Cristo ang karanasang ito. Matutukoy rin ng mga estudyante kung ano ang maaari nilang gawin upang matulungan ang iba na madamang kabilang at kinakaibigan sila sa mga sarili nilang ward o branch.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Pinasimulan ni Jesucristo ang sacrament at inutusan Niya ang mga tao na magtipon nang madalas at huwag pagbawalan ang sinuman na makibahagi sa kanilang pagsamba.

Ipakita ang sumusunod na larawan, at ipaalala sa mga estudyante na bilang bahagi ng Kanyang ministeryo sa mga Nephita at Lamanita, ipinagkaloob ni Jesucristo ang awtoridad ng priesthood sa Kanyang labindalawang disipulo at inorganisa Niya ang Kanyang Simbahan (tingnan sa 3 Nephi 11:18–22; 12:1; 18:5, 37; 26:17–21).

Larawan
Si Cristo Kasama ang Tatlong Nephitang Disipulo, ni Gary L. Kapp

Ipaliwanag na bagama’t maraming aspeto tungkol sa Simbahan na maaari nating higit na pag-aralan, ang lesson na ito ay magtutuon lamang sa dalawang aspeto. Idispley ang mga sumusunod na tanong, at anyayahan ang mga estudyante na pumili ng tanong na pinakagusto nilang higit na talakayin:

  • Ano ang maaari kong gawin upang maging mas makabuluhang bahagi ng aking karanasan sa simbahan ang sacrament?

  • Paano ako makatutulong upang madama ng lahat na sila ay malugod na tinatanggap at ibinibilang sa simbahan?

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Ang mga talakayan sa maliliit na grupo at mga assignment ay makatutulong sa mga estudyante na lalo pang matuto. Ang pagbubuo ng maliliit na grupo ay makapagtutulot sa mas maraming bilang ng mga estudyante na makibahagi at makapaglalaan ng ligtas na tagpo kung saan maaari nilang ibahagi sa isa’t isa ang kanilang mga naisip, nadama, at naranasan. Ang maliliit na grupo ay makatutulong din sa mga estudyante na magkaroon ng mga kasanayan sa pakikisalamuha at pakikipag-usap. Upang matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng makabuluhang karanasan sa maliliit na grupo, maaaring makatulong ang pagbibigay ng mga sumusunod: (1) mga sanggunian o resources tulad ng mga sipi, kopya ng mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, o iba pang handout, (2) malilinaw na instruksyon at mga tanong na pag-iisipan, at (3) maraming oras para sa talakayan.

Anyayahan ang mga estudyante na bumuo ng maliliit na grupo (tatlo hanggang apat na tao kada grupo) kasama ang mga yaong pumili ng parehong tanong. Ibigay sa bawat grupo ang handout na tugma sa kanilang tanong. (Ang mga handout ay matatagpuan sa dulo ng lesson na ito.) Anyayahan ang mga estudyante na gamitin ang mga tanong at resources sa handout upang magkaroon ng makabuluhang talakayan. Habang nagtatalakayan ang mga grupo, maaari kang maglakad-lakad sa silid upang marinig at makita kung ano ang ginagawa ng mga grupo at makapagbigay ng tulong at suporta kung kinakailangan.

Matapos bigyan ng maraming oras ang mga grupo upang talakayin ang kanilang paksa, anyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa klase ang ilan sa mga alituntuning natutuhan nila mula sa mga turo ng Tagapagligtas sa mga tao. Maaaring makatulong sa iyo na magtuon sa isang paksa sa loob ng ilang minuto at pagkatapos ay talakayin ang kasunod na paksa.

Maaaring matukoy ng mga estudyante ang mga alituntuning tulad ng sumusunod:

  • Kapag tumatanggap tayo ng sacrament, pinatutunayan natin sa Ama sa Langit na handa tayong palaging alalahanin si Jesucristo at sundin ang Kanyang mga kautusan.

  • Kapag tumatanggap tayo ng sacrament at sinisikap nating palaging alalahanin si Jesucristo, mapapasaatin ang Espiritu Santo.

  • Iniutos sa atin ng Panginoon na maging magiliw at handang ibilang ang lahat ng anak ng Diyos at tulungan silang lumapit sa Kanya.

Habang natutukoy ang mga alituntunin, maaari mong sabihin sa mga estudyante na isulat ang mga ito sa pisara. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng anumang ideya o tanong na mayroon sila tungkol sa alinman sa mga alituntuning ito.

Idispley ang mga sumusunod na tanong, at anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isa o higit pa na pagninilayan. Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na isulat ang anumang ideya at impresyon na darating sa kanila.

  • Ano ang gagawin ko upang maihanda ang aking sarili sa pagtanggap ng sacrament at magawang mas makabuluhan at nakasentro kay Cristo ang karanasang ito?

  • Ano ang gagawin ko upang matulungan ang iba na madamang sila ay malugod na tinatanggap at ibinibilang sa Simbahan ni Jesucristo?

Para sa Susunod

Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang ilan sa mga kalagayan sa kanilang paligid na maaaring nagpapahirap sa kanila na ipamuhay ang ebanghelyo. Hikayatin ang mga estudyante na pag-aralan ang materyal sa paghahanda para sa susunod na klase, at alamin kung ano ang maaari nilang matutuhan mula sa mga halimbawa ng mga tao sa Aklat ni Mormon na nagsikap na mamuhay nang matwid bagama’t namumuhay sila sa isang lugar na puno ng kasamaan.

Mga Pagpapala ng Sacrament

Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon—Lesson 17

Mga Instruksyon para sa mga Lider ng Talakayan

Gamitin ang mga sumusunod na instruksyon upang mapangasiwaan ang talakayan kasama ang iyong mga kagrupo. Hikayatin ang lahat ng iyong kagrupo na makibahagi. Gayunman, hindi dapat madama ng sinuman na pinipilit siyang magbahagi ng kanyang mga ideya.

Ano ang maaari kong gawin upang maging mas makabuluhang bahagi ng aking karanasan sa simbahan ang sacrament?

Rebyuhin ang 3 Nephi 18:6–12; 20:8–9 at ang mga turo nina Elder David A. Bednar at Elder D. Todd Christofferson sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda. Pagkatapos ay talakayin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang pinatutunayan natin sa Ama sa Langit kapag tumatanggap tayo ng sacrament?

  • Sa anong mga paraan tayo maaaring ilapit ng sacrament sa Tagapagligtas? Paano naiiba ang inyong buhay kapag mas nakatuon kayo kay Jesucristo at kapag mas malapit kayo sa Kanya?

  • Ayon kina Elder Bednar at Elder Christofferson, paano dapat makaapekto ang sacrament sa ating mga buhay at pagkatao linggu-linggo? Mayroon bang nais magpatotoo tungkol sa mga pagpapalang ito mula sa sarili nilang karanasan?

  • Ano ang lubos na nakatulong sa inyo upang maging makabuluhan at nakasentro kay Cristo ang inyong karanasan sa sacrament?

Mga Pagpapala ng Sacrament

Larawan
handout ng titser

Malugod na Pagtanggap sa Lahat ng Tao sa Simbahan

Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon—Lesson 17

Mga Instruksyon para sa mga Lider ng Talakayan

Gamitin ang mga sumusunod na instruksyon upang mapangasiwaan ang talakayan kasama ang iyong mga kagrupo. Hikayatin ang lahat ng iyong kagrupo na makibahagi. Gayunman, hindi dapat madama ng sinuman na pinipilit siyang magbahagi ng kanyang mga ideya.

Paano ako makatutulong upang madama ng lahat na sila ay malugod na tinatanggap at ibinibilang sa simbahan?

Maaari ninyong simulan ang inyong talakayan sa pagtukoy sa ilang pangkaraniwang dahilan kung bakit maaaring hindi nadarama ng mga tao na ibinibilang sila sa kanilang ward o branch. Maglaan ng ilang minuto upang rebyuhin ang 3 Nephi 18:22–25 at ang pahayag ni Sister Carol F. McConkie sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda. Pagkatapos ay talakayin ang mga sumusunod na tanong:

  • Sa inyong palagay, anong mga turo at alituntunin mula sa mga talatang ito ang mahalagang maunawaan ng lahat ng miyembro ng Simbahan? Bakit?

  • Ano ang tila pinakamahalaga para sa inyo tungkol sa pahayag ni Sister McConkie? Sa inyong palagay, ano ang ibig sabihin ng “tingnan [ang iba] katulad ng pagtingin sa kanila ni Cristo”?

  • Anong mga halimbawa mula sa buhay ng Tagapagligtas ang nagpapakita ng Kanyang hangaring maging magiliw at handang ibilang ang lahat ng anak ng Diyos anupaman ang kanilang mga kalagayan?

  • Paano natin matutularan ang halimbawa ng Tagapagligtas na maging mas magiliw at handang ibilang ang mga miyembro at bisita na dumadalo sa ating mga ward o branch? Ano ang ginawa ng mga tao na nakatulong sa inyo na madamang kayo ay ibinibilang at malugod na tinatanggap sa simbahan?

Malugod na Pagtanggap sa Lahat ng Tao sa Simbahan

Larawan
handout ng titser 2

Print