“Lesson 11 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Pagpapatuloy sa Paglakad sa Landas ng Tipan,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon (2021)
“Lesson 11 Materyal sa Paghahanda para sa Klase,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon
Lesson 11 Materyal sa Paghahanda para sa Klase
Pagpapatuloy sa Paglakad sa Landas ng Tipan
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson, “Sa bawat miyembro ng Simbahan sinasabi ko, manatili sa landas ng tipan. Ang inyong pangako na sundin ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pakikipagtipan sa Kanya at pagsunod sa mga tipan na iyon ang magbubukas ng pinto para sa bawat espirituwal na mga pagpapala at pribilehiyo para sa kalalakihan, kababaihan, at mga bata saanman” (“Habang Tayo ay Sama-samang Sumusulong,” Liahona, Abr. 2018, 7). Sa iyong patuloy na pag-aaral ng doktrina ni Cristo, isipin kung paano tumutulong sa iyo ang paggawa at pagtupad ng iyong tipan sa binyag, pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo, at pagtitiis hanggang wakas upang maging higit na katulad ka ng iyong Ama sa Langit.
Bahagi 1
Paanong ang aking tipan sa binyag ay makapagpapala sa akin at sa lahat ng yaong nakakasalamuha ko?
Isinugo ng Panginoon ang propetang si Abinadi kay Haring Noe at sa mga tao nito upang balaan sila na kung hindi sila magsisisi, sila ay mabibihag. Hindi tinanggap ni Haring Noe ang mensahe ni Abinadi at ipinapatay niya ito. Itinala ni Alma, isa sa mga saserdote ni Noe, ang mga salita ni Abinadi at palihim itong itinuro sa mga tao. Nang lumaki ang grupo ng mga mananampalataya ni Alma, sila ay nagtipon sa mga Tubig ng Mormon at pumasok sa tipan ng binyag.
Tungkol sa pangako natin na makidalamhati at aliwin ang iba, ipinaliwanag ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Sa Simbahan, para mabisang mapaglingkuran ang iba kailangan natin silang tingnan ayon sa paningin ng isang magulang, ayon sa paningin ng Ama sa Langit. Noon lamang natin mauunawaan ang tunay na kahalagahan ng isang kaluluwa. Noon lamang natin madarama ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa lahat ng Kanyang anak. Noon lamang natin madarama ang pagmamalasakit ng Tagapagligtas para sa kanila. Hindi natin lubos na magagampanan ang ating obligasyon sa tipan na makidalamhati sa mga taong nagdadalamhati at aliwin ang mga nangangailangan ng aliw maliban kung titingnan natin sila ayon sa paningin ng Diyos. [Tingnan sa Mosias 18:8–10.] Ang pinalawak na pananaw na ito ay ipaparamdam sa ating puso ang mga kabiguan, pangamba, at dalamhati ng iba. (“Sa Paningin ng Diyos,” Liahona, Nob. 2015, 94)
Bahagi 2
Paano mababago ng kaloob na Espiritu Santo ang aking buhay?
Sa isinulat niya tungkol sa doktrina ni Cristo, itinuro ni Nephi na ang mga yaong sumusunod sa halimbawa ni Jesucristo at nagpabinyag ay bibigyan ng kaloob na Espiritu Santo ng Ama sa Langit (tingnan sa 2 Nephi 31:12).
Ganito ang sinabi ni Pangulong Boyd K. Packer ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa pagsasalita sa wika ng mga anghel:
Ipinaliwanag ni Nephi na nagsasalita ang mga anghel sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, at makapagsasalita kayo sa wika ng mga anghel, na ang ibig sabihin lamang ay makapagsasalita kayo nang may kapangyarihan ng Espiritu Santo. Banayad ito. … Ngunit naroroon ang kapangyarihan. (“Sahe Gift of the Holy Ghost: What Every Member Should Know,” Ensign, Ago. 2006, 49–50)
At ipinaliwanag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang binyag ng apoy.
Gawin ang sumusunod na aktibidad:
-
Basahin ang sumusunod na pahayag:
Ang Espiritu Santo ay isang Tagapagpabanal na nililinis at sinisilaban ang dumi at kasamaan sa kaluluwa ng tao na tulad sa apoy. [Tingnan sa 3 Nephi 27:19–21]. …
Dahil mga miyembro tayo ng ipinanumbalik na Simbahan ng Panginoon, pinagpala tayo kapwa sa ating paunang paglilinis mula sa kasalanan na nauugnay sa binyag at sa potensyal na patuloy na paglilinis mula sa kasalanan na naging posible sa pamamagitan ng patnubay at kapangyarihan ng Espiritu Santo. …
… Kapag naghanda tayo nang seryoso at nakibahagi sa [sacrament] nang may bagbag na puso at nagsisising espiritu, ang pangako ay mapapasaatin sa tuwina ang Espiritu ng Panginoon. At sa palagiang patnubay ng nagpapabanal na kapangyarihan ng Espiritu Santo, mapapanatili natin sa tuwina ang kapatawaran ng ating mga kasalanan. (“Panatilihin sa Tuwina ang Kapatawaran ng Inyong mga Kasalanan,” Liahona, Mayo 2016, 60–62)
Bahagi 3
Paano ako makadarama ng higit na pag-asa at kagalakan habang sinisikap kong magtiis hanggang wakas?
Kasama ng pananampalataya, pagsisisi, binyag, at pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo, itinuro ni Nephi na ang pagtitiis hanggang wakas ay mahalagang alituntunin sa doktrina ni Cristo.
Panoorin o basahin ang sumusunod na mensahe ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, at isipin kung paano ka makapagtitiis hanggang wakas nang may higit na kagalakan.
Basahin ang sumusunod na mensahe ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, at isipin kung paano ka makapagtitiis hanggang wakas nang may higit na kagalakan.
Ang pagtitiis hanggang wakas, o pananatiling tapat sa mga batas at ordenansa ng ebanghelyo ni Jesucristo habambuhay, ang pangunahing kailangan para maligtas sa kaharian ng Diyos. Ang paniniwalang ito ang nagtatangi sa mga Banal sa mga Huling Araw sa maraming iba pang sektang Kristiyano na nagtuturo na ang kaligtasan ay ibinibigay sa lahat ng naniniwala at nagsasabi na si Jesus ang Cristo. Malinaw na ipinahayag ng Panginoon, “Kung susundin mo ang aking mga kautusan at magtitiis hanggang wakas ikaw ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan, kung aling kaloob ay pinakadakila sa lahat ng kaloob ng Diyos” (D&at&T 14:7).
Kung gayon, ang pagtitiis hanggang wakas ay hindi lang basta pagpapabaya sa mga kahirapan ng buhay o “basta magtiyaga lang.” Ang atin ay isang aktibong relihiyon, na tumutulong sa mga anak ng Diyos na makatahak sa tuwid at makipot na landas upang mapaghusay ang kanilang ganap na potensyal sa buhay na ito at makabalik sa Kanya balang araw.
Sa pananaw na ito, ang pagtitiis hanggang wakas ay nagpapadakila at maluwalhati, hindi malupit at malungkot. Ito ay isang masayang relihiyon, ng pag-asa, lakas, at kaligtasan. (“Hindi Ba’t May Dahilan upang Tayo ay Magsaya?” Liahona, Nob. 2007, 20)